Woyengyi: Sa
Kaharian Ni Isembi
Gabriel
Imomotimi
Pagkilala sa
may akda:
Si Gabriel Imomotimi Gbaingbain Okara, anak
ng pinuno ng Ijo, ay ipinanganak sa Bomoundi sa Niger Delta noong 1921. Siya ay
nag-aral sa Government College Umuahia, at nakapagtapos sa Yaba Higer College.
Noong World War II ay sinubukan niyang makapasok sa British Royal Air Force
ngunit hindi niya natapos ang kanyang pagsasanay sa pagpi-piloto, at nagtrabaho
na lamang siya sa British Overseas Airway Corporation(British Airways).
Noong 1945, si Okara ay nakahanap ng trabaho bilang taga-imprinta at bookbinder para sa sariling publishing company ng Nigeria Government. Nanatili siya sa trabaho na iyo sa loob ng 9 na taon, at doon na rin siya nagsimulang magsulat. Noong una ay isinalin lamang niya sa Ingles ang Iljaw at nagsulat ng mga script para sa government radio. Nag-aral siya sa Northwestern University noong 1949, at bago ang Nigerian Civil War ay nagtrabaho siya bilang isang Information Officer para sa Eastern Nigerian Government Service. Kasama si Chinua Achebe, siya ay naging ambassador para sa Biafra cause noong 1969. Mula 1972 hanggang 190 ay naging direktor siya sa Rivers State Publishing House sa Port Harcourt.

Uri ng
panitkan:
Dula.
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang pinaka layunin nito ay itanghal ang tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatist, odramaturgo.

Layunin ng
may akda:
Ang motibo
ng akda ay ang ipakita at ipaalam sa atin na hindi kalian man dapat maliitin ang
mga babae at ang mga kakayahan nila. Ipinapaalam din na mayroon silang taglay na
sariling lakas. Hindi man sila kasing lakas ng mga lalaki ngunit mayroon silang
lakas na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Ang natutunan namin dito sa dula na ito ay huwag na huwag kang magyayabang sa ibang tao at isa pa ay huwag na huwag nating maliitin ang ating mga kababaihan. ‘Di porke babae lang sila ay babae LAMANG sila. Mayroon din silang angking kakayahan tulad ng nagawa ni Ogboinba nakayang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Tema at
paksa ng may akda:
Ang tema
ng dulang ito ay ang pagpapakita ng kakayahang feminismo. Makikita sa labanan nina
Woyengyi at ni Isembi na hindi dapat binabase ang lahat sa nakikita ng ating mga
mata ang kanilang kakayahan.
Mga Tauhan
ng akda:
Ogboinba – Ang pumasok sa gubat para sundan ang
dalawang espiritung kapangyarihan
Isembi – Ang hari ng gubat
Tagpuan at
Panahon:
Sa gubat - Dito naganap ang istorya at dito nakatira si Isembi
Nilalaman at
balangkas ng mga pangyayari:
Sa
gubat, pumasok si Ogboinba mula sa kaliwa, kasama ang kanyang dalawang espiritung
kapangyarihan, pinagmasdan niya sandali ang kanyang paligid nang pumasok naman mula
sa kanan si Isembi, ang hari ng kagubatan, kasama rin ang kanyang dalawang espiritung
kapangyarihan na mukhang mga ibon.
Sinumbatan ni Isembi si Ogboinba at binalaan na
huwag nang tumuloy pa sakanyang kagubatan, subalit ay ipinagmalaki ni Ogboinba na
siya’y walang kapantay sa mundo dahil sa angkin niyang kapangyarihan. Nagsimula
na silang magtunggali. Naunang bumigkas ng mga bulong si Isembi. Nanghina at bumagsak
si Ogboinba ngunit habang binibigkas ni Isembi ang kanyang
huling dasal, nagsimula naman si Ogboinba. Binanggit niya ang mga salitang mahika.
Bumalik ang lakas ni Ogboinba, samantalang nanghina naman si Isembi.
Tumalon si Ogboinba sa nanghihinang si Isembi
at kinutya niya ito. Binatuhan niya ng mga masasakit na salita si Isembi at
pinag sabihan na pumirmi na lamang sa gubat dahil isa siyang haring walang kapangyarihan
at pagkatapos ay tuluyan nang umalis si Ogboinba kasama ang kanyang mga espiritung
kapangyarihan.
Teoryang pampanitikan
na angkop sa akda:
Ang
akda ay nilapatan ng mga teoryang pampanitikan tulad ng Feminismo, Humanismo at
Eksistensyalismo. Feminismo sapagkat ipinipakita ang kalakasan at kakayahan ng
babae tulad ni Igboinba at iniaangat nito ang pagtingin ng lipunan sa mga
babae.Humanismo dahil ipinapakita din dito na tao ang sentro ng mundo at
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao. Eksistensyalismo
dahil pinapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang panamatili sa mundo o
tinatawag na human existence.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento