This work can be subjected to change until 10/19/2016 6:00pm
Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi
Pagkilala sa May Akda
Gabriel Immotimi Gbaingbain Okana
Nag-aaral sa Government College muahia. Siya ay nakatapos ng Higher College. Siya ay ipinanganak sa Bomounal sa Niger Delta noong panahong 1921. Siya ay sumubok na pumasok sa British Royale Force ngunit hindi natapos ang kanyang pagsasanay. Siya ay dati naring nagtrabaho sa printing & bookbinding. Siya ay tumagal doon ng siyam (9) na taon.
Uri ng Panitikan
Ang akda ay isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na maaaring hatiin sa tatlong parte: Ang simula, ang gitna, at ang wakas. Maari din itong hatiin sa ilang mga yugto. Ito ang paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan. Ang panitikang ito ay pinapanood sa tanghalan sa halip na binabasa sa libro. Ang mga dula ay binubuo ng mga tauhan na may iba’t ibang tungkulin sa kwento.
Layunin ng May-akda
Ang layunin ng may-akda ay maipakita ang tunggalian ng parehong nilalang ngunit mas naipakita ang kalakasan ng babae at ang kahinaan rin nito. Sa paraang ito naipapahayag na ang mga tao ay may paniniwala na ang lalaki ay laging nakatataas ngunit hindi sa lahat ng bagay. Ang kababaihan ay may boses rin at may kadalasang mismo ang lalaki ay wala nito, at sa paraang ito nakita ang feminismo.
Tema o Paksa ng Akda
Para sakin ang natutunan ko sa kwento ay hindi porket babae ang iyong katungali o katapat sa dwelo kailangan mo padin maging madiskarte subalit ang pagiging madiskarte ay hindi sapat dapat gamitan din ng kaisipan. Kung ihahambing natin sa totoong buhay si Ogboinba para siyang isang tao na nabigo sa pag hahanap ng trabaho pero nung nagkaron siya ng kaisipan at ng diskarte nakamit niya ang tagumpay. Katulad ng pakikipag dwelo niya kay ----- kapag nabigo ka ng isang beses hindi ibig sabihin na susuko ka na sa buhay. Dapat laban lng ng laban. -Malic
Tauhan
Isembi – Si Isembi ay ang hari ng kagubatan, siya ay matapang at palaban dahil kinalaban niya si Ogboinba ng nang ayain siya nito.
Ogboinba – Si Ogboinba ay ang may dalawang espiritong kapangyarihan. Siya ang nag-aya kay Isembi ng away o gulo dahil pinaalis siya ni Isembi ngunit ayaw niyang umalis sa kagubatan kung saan ay ang pinaghaharian ni Isembi. Nung una ay natalo siya ni Isembi ngunit kalauhan siya ang natalo kay Isembi.
Tagpuan at Panahon
Sa gubat ang lugar kung saan sila nag-usap. Sunod sa sangadong kahuyan ni Isembi na kung saan duon sila nagkaroon ng bulungan na nauwi sa kuhaan ng lakas at si Ogboinba ang nag tagumpay.
Buod/Balangkas
Dalawang malakas na nilalang ang nagtapat sa gubat. Si Ogboinba na mula sa kaliwa ang babaeng may malakas na loob at di hamak ay makapangyarihan, siya ay ipinagkalooban nito kapalit ang kawalan ng magiging anak at sa kanan naman ay ang hari ng kagubatan na si Isembi, sinusundan siya ng dalawang nilalang na mukhang ibon sa sumisimbolo ng kanyang kapangyarihan at nakabihis pa ng parang mangangaso subalit magarbo.
Sinundan ng duelo ang sumunod na mga pangyayari sa dalawang malakas na nilalang dahil hinamak ni haring Isembi si ogboinba sa pagmamatigas nitong manatili sa kagubatan, hindi rin naman ito nakapigil kay ogboinba at siya ring hinamak muli ang hari ngunit siya ay nanghina dulot ng pagbigkas ni haring Isembi sa kanyang kapangyarihan para manghina si Ogboinba.
Di rin nagtagal muli at si ogboinba naman ang lumikas at nagpataw ng mga kapangyarihan laban sa hari sa kabila ng kanyang kundisyon at panghihina. Unti unti namang bumalik ang kapangyarihan ni ogboinba habang ang hari maman ay nililisan na ng kanyang kapangyarihan at sumuray suray na sa kanyang kinatatayuan, napagdesisyunan ni ogboinba na hindi ito bawian ng buhay ngunit iniwan niya nang walang saysay at inutil sa kanyang sariling kaharian dulot nang mababang pagtingin niya at paghamak kay ogboinba.
Teoryang Pampanitikan na Angkop sa Akda
Ang teoryang pampanitikan na naaayon o nababagay sa akda ay “feminismo”, at bakit? Dahil nagpapakita si Ogboinba ng katapangan at katangian laban sa kanyang katunggali na si Isembi na isang lalaki. Hindi nagpapakita ng takot si Ogboinba hindi dahil sa kaawaan sya ni Isembi kung hindi ay alam niyang kaya niya tapatan ito. Sa madaling salita, buong pagkataong lumaban/hinarap ni Ogboinba si Isembi kahit na kalalaking tao ito.
Handa Akong Mamatay
Pagkilala sa May-akda
Si Nelson Mandela ay isang politiko na naglingkod bilang pangulo ng timog Africa mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga Gawain ng sistemang Apartheid ay pinuno ng Pambansang Kongresong Aprikano at nanaatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa bintang na pagsasabotahe.
Uri ng Akda
Ang akda ay isang halimbawa ng sanaysay na patalumpati. Ang talumpati ay isang uri ng panitikan na hinahayaang makahayag ang isang tao ng kanyang mga opinion, saloobin at nararandaman sa harap ng maraming tao sa paraan ng pagsasalita. Ang mga talumpati ay madalas na sumasailalim sa tatlong pakay: upang makapaalam, upang makahikayat o makapagbigay-aliw. Ang sanaysay naman ay isang uri ng panitikan na hinahayaang makapaghayag ang manunulat nito ng kanyang mga suhestyon, damdamin at kuro-kuro.
Layunin ng May-akda
Ang akda ay tungkol sa pagbibigay ng suhestyon at hinahing ng may-akda sa mga problema ng kanyang bansa. Ang akda, na isang talumpati ng kilalang Nelson Mandela, ay nagbibigay ng mga impormasyon na maaaring sumuporta sa pangunahing kaisipan ng talumpati. Ang kaisipan ng talumpati ay ang Apartheid, at ang mga epekto nito sa bayan ng may-akda. Ang Apartheid ay isang sistemang nagdidiskrimina sa mga hindi puti at pinapataas at pinahahalagahan ang mga puti. Ito ay nagsimula sa ibang mga lugar sa timog Aprika noong bago 1948 at malawakang ipinatupad noong 1949 ng mga Dutch at napawalang-bisa noong 1993.
Ang talumpati ay nagpatuloy sa pagbibigay ng mga datos para makumbinsi ang mga nakikinig na ang sistemang Apartheid at nakasasama sa kanilang bansa. Sinasabi din sa talumpati na ang Apartheid ay sumusuporta sa pagkakaroon ng diskriminasyon at ang patuloy na paghina ng bansa ng may-akda. Isnisa-isa ng may-akda ang sa tingin nya na mga problema, ang mga datos at impormasyon na maaring magpatunay dito, at sa tingin ng may-akda na mga maaaring maging solusyon sa mga ito. Ito ang sa palagay ko na layunin ng akda.
-Gian
Tema o Paksa ng Akda
Ang maaaring maging tema ng akda ay ang pagbibigay impormasyon ng may-akda tungkol sa kalagayan ng kanyang bansang ginagalawan. Na kahit masasabing maayos ang pamumuhay sa Timog Aprika, mayroon paring mga aspekto ng bansa na masasabing nakasasama sa mga nakatira dito. Mga bagay na, hindi lang masama kung hindi patago ring ipinapatupad o isinasagawa. Ang Apartheid ay nakaapekto sa maraming tao, at pinapakita ng sistemang ito ang masamang banda ng sangkatauhan, ang pilit na paghangad ng mga tao na maluklok sa iba’t ibang uri ng kapangyarihan. Ang makikita sa akda ay ang paghangad ng mga tao na makaangat sa mga ibang tao at nilalang na sa tingin nila na iba sa kanila. Ang mga puti’y mas mataas sa mga itim dahil lamang sa kulay nila. Itong sistemang ito ay nagpatuloy hanggang sa ito’y nabawalang-bisa. Sa tulong narin ng may-akda at ang kanyang talumpati.
Tauhan
Mga Aprikano – Mga taong nakatira sa kontinenteng Aprika
Europeo o mga puti – Mga taong naninirahan sa europeo at/o may kaputian ang kutis
Tagpuan o Panahon
Noong 1960 – Ang ginastos ng pamahalaan sa bawat aprikan na mag-aaral ay tinatayang R12.46.
Noong 1960 – Ang ginastos para sa mga batang puti sa probinsya ng Cape ay R144.57.
Noong Hunyo ng 1961 – Iginiit naming ang pagbabago sa polisya ng national liberation movement.
Noong 1961 – Nakatala ng 38,491 na bagong kaso.
Noong 1963 – Tinatayang apatnapung bahagdan ng mga batang aprikano sa pagitan ng edad pito hanggang labing apat ang hindi nakapag-aral.
Noong 1962 – 362 ang pumasa ng Matric
Noong 1953 – Nagdedebate ukol sa Bantu Educational Bill
Kontinente ng Aprika
South Aprika
Alas onse ng gabi
Buod/Balangkas
Sinimulan ni Nelson Mandela ang kanyang talumpati sa pagpili sa pagitan ng pagyuko o paglaban. Likas sa isang tao na proteksyonan ang mga mamamayan para lumaban sa kinabukasan at kasayaan. Hunyo 1961 ng iginiit nila ang pagbabago sa polisya ng National Libetarian Movoment. Ang kanilang laban ay hindi lang basta laban dahil laban ito para sa kanilang dignidad. Ang mga aprikan namuhay sa karukhaan at samu’t saring kontradiksyon. Di katulad ng mga puti ay itinuturing silang mayaman. Di nabibigyan ng lupain ang mga aprikan at sila’y pinagtratrabaho sa mga lupain.
Madalas na nagkakasakit ang mga aprikano dahil sa malnutrisyon na nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Ang daing nila’y palayain sila sa kahirapan at wag silang pigilan na makapag-aral lalo na ang mga bata. Dinudulog nila ang parehas na paaralan sa pagitan ng mga arikan at puti. Ang diskriminasyon sa kanilang kulay ay nagiging dahilan ng kanilang hindi pag-unlad. Pati ang pagkakaiba ng kanilang trabaho o polisya bilang manggagawa.
Madalas na sinasabi nila na nasa maayos na kondisyon ang mga aprikano ngunit hindi. Sila’y nakakaranas ng diskriminasyon sa kanilang mismong bayan. Maging patas sa passbook at disenteng sahod para sa mga manggagawang naghihirap magtrabaho. Pati na rin ang makasama ang kanilang pamilya at hindi ikulong sa “ghetto”. Dapat o karapatan ng mga babae na makasama din ang kanilang pamilya at hindi iwanan na biyuda sa “Pesense”. Nais lamang nila ay ang karapatan, kalayaan na mamumuhay dahil kung wala ito habang buhay silang lumpo at demokrasya ang kanilang tanging hiling. -Aira
Teoryang Pampanitikan na Angkop sa Akda
Ang mga teoryang maaaring maging angkop sa akda ay realismo at eksistensiyalismo. Sapagkat ipinapakita dito ang realidad ng buhay na nararanasan ng may akda, na madalas ay masama at hindi kaaya-aya. Tulad ng paghihiwalay at pagdidiskrimina sa mga tao base sa kulay nila na maaaring matanaw bilang isa sa mga bagay na maaring makapigil sa pag-unlad ng bansa ng may-akda. Isa pa, dahil ninanais nila ang kanilang kalagayan na makapagdesisyon para sa kanilang bansa, na ang mga tao at ang kanilang bansa, ay may kalayaang pumili ng kanilang tatahaking landas, dahil sa sila’y malayang tao at malayang bansa. -Aira
Mga Miyembro:
Bayron, Aira
Galang, Marianne
Catacutan, Jules
Silva, Julianna
Miguel, Raphaella
Simplicio, Yannah
Enriquez, Osmalic
Clit, Gian
Mendoza, Juana
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento