Pagkilala sa may Akda
Obutunde Ijimere - siya ay isang manunulat mula sa Persia. Ang bilang ng kanyang mga naging akda ay nasa 33 at ang kadalasang tinatalakay niya ay patungkol sa drama, criticism, interpretation, history, at fiction. Isa sa mga isinulat niyang akda ay ang Woyengi, sa kaharian ni Isembi. Halina't tunghayan natin ang istorya ng isang babaeng nagpamalas ng kanyang angking kalakasan at katapangan.
Uri ng Panitikan
Dula - ang dula ay akdang pampanitikang may layuning itanghal sa entablado sa pamamagitan ng kilos, galaw, at pananalita sa harap ng manonood. Isang sangkap ng dula ay ang mga diyalogo o usapan ng mga tauhan. At ito ay nahahati sa mga tagpo.

Layunin ng Akda
"Ang layunin ng may akda ay ipahayag sa mga mambabasa na hindi porket babae na ang kaharap niya ay huhusgahan na nila agad ito ng mahina, tanga, bobo, at walang alam sa buhay. Hindi porket babae ay dapat ng binibigyan ng impresyong pang-bahay lang, dahil kahit ang mga babae ay makakayang gawin ang kung anong mga nagagawa ng kalalakihan, minsan pa nga'y nadadaigan pa ng babae ang lalaki. Pinapahayag lang sa akdang ito na huwag minamaliit ang kakayahan ng isang babae, tandaan lamang na lahat ng tao sa mundo ay may pantay pantay na kakayahan sa iba't ibang pamamaraan nga lang." -S.M.B.G
Tema o Paksa ng Akda
"Babae ka man o nakatataas, lahat tayo ay walang karapatang tumapak ng pagkatao nino man o magpaabuso kahit kanino lalo na kapag nasa katwiran, ipaglaban mo" -M.C.B.
Tauhan sa Akda
Isembi – Siya ang hari ng kagubatan. Isa siyang babae na ipinamalas sa mga mambabasa ang kanyang kakayahan, na kahit isa lamang siyang babe ay kaya niyang tapatan ang kung anong mang kalakasan din ng isang kalalakihan. Dito naganap kung saan inaya siyang makipag laban ni Ogboinba at hindi niya ito sinukuan, bagkus pinakita nito yung kakayahan na magagawa na rin ng isang kababaihan.
Ogboinba - Siya naman ang naghamon kay Isembi na makipaglaban dahil pilit niyang pinapaalis si Isembi ngunit ayaw niyang umalis sa kagubatang kanyang pinaghaharian. Siya ang may dalawang espiritong kapangyarihan. Kung kaya't nang sil'y naglaban ni Isembi, ay siya ang nagwagi, ngunit hindi nagpatalo o nagpadaig sa takot si Isembi kung kaya't natalo din siya nito sa bandang huli.
Ogboinba - Siya naman ang naghamon kay Isembi na makipaglaban dahil pilit niyang pinapaalis si Isembi ngunit ayaw niyang umalis sa kagubatang kanyang pinaghaharian. Siya ang may dalawang espiritong kapangyarihan. Kung kaya't nang sil'y naglaban ni Isembi, ay siya ang nagwagi, ngunit hindi nagpatalo o nagpadaig sa takot si Isembi kung kaya't natalo din siya nito sa bandang huli.
Tagpuan at Panahon
Gubat - dito ginanap ang pakikipagtagisan ng galing ng dalawang karakter sa akda. Si Isembi at Ogboinba kung saan nakadamit si Isembi na parang mangangaso habang si Ogboinba naman ay dala dalang dalawang espiritu ng kapangyarihan.
Nilalaman at Balangkas ng mga pangyayari
Sa isang kagubatan ay mayroong dalawang nilalang na magsasagupaan. Si Isembi at Ogboinba dala-dala ang kani-kanilang mga espirtung kapangyarihan. Sila'y nais magsagupaan dahil nais paalisin ni Ogboinba si Isembi sa sarili nitong kaharian. Hindi pumayag si Isembi at ipinagtanggol ang kanyang mga karapatan sa kanyang teritoryo kung kaya't pinaglaban niya ito. Nakipagtagisan siya ng galing kay Ogboinba kung saan sila'y nagpapalitan ng maaanghang na salita. Hanggang sa huli, ay napaalis niya si Ogboinba dala ang kanyang mga espiritu nang mapagtanto nitong hindi niya kayang labanan ang kapangyarihang taglay ni Isembi.
Teoryang Pampanitikan
Ang akda ay ginamitan ng Teoryang Pampanitikang Feminismo. Bakit Feminismo? Sapagkat pinapakita sa akda ang kalakasan ng isang babae na hindi nagpapaapi sa anumang gawin o sabihin ng isang lalaki. Dito pinakita kung paanong pinagtanggol ni Isembi ang kakayahan ng mga babae, na hindi porket siya babae ay pwede ng api-apihin o sabihing mahina dahil kahit mga babae ay kaya ring makipagsagupaan sa mga kalalakihan at makipaglaban. Halimbawa nalang dun sa akda, na nais paalisin ni Ogboinba si Isembi sa sarili mismo nitong kaharian. Bakit? Dahil nakita nitong babae ang naghahari at masasabi nitong kaya nitong paalisin si Isembi sa sarili nitong kaharian dahil siya'y lalaki? Patunay lang ito na ang ginawang pakikipagsagupaan ni Isembi kay Ogboinba ay ang pagpapakita ng katapangan at taglay ding galing at lakas ng mga kababaihan.
Group 4 (10-Cobalt)
Shiela Gregorio
Desa Mirasol
Isabel Lapuz
Clarisse Balatayo
Mariane Domingo
Kiara Gramatica
Lance Camacho
Dalton Cu
Jashtin Singh

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento