Pagkilala sa may Akda

Si Omar Khayyam o Omar Khyham, ay isang makata mula sa Persia, isang astronomo, manunulat at iskolar na namuhay noong ika-11 daantaon AD. Siya ang may-akda ng kalipunan ng kanyang mga gawa ang Rubaiyat, na nalathala lamang dalawang daang taon pagkaraan ng kanyang kamatayan, at lumaong isinalin sa Ingles ni Edward Fitzgerald. Ipinangank siya sa lungsod ng Nishapur nakasalukuyang tinatawag na bansang Iran. Bilang isang dalubhasa, naitalaga siya sa tungkulin bilang royal na astronomo. Ginawa niyang madernisasyon o pagiging makabago ng kalendaryong Persia.
Uri ng Panitikan
Ang Rubaiyat ay hindi isang dakilang tula sapagkat ito'y hindi nagdudulot sa atin ng isang malalim at magandang pakahulugan sa buhay; ngunit ito'y isang tunay na tula, pagkat binibigyang-kasiyahan ang ating pandinig dahil sa angking musika, tinitigib sa mga kahanga-hangang larawan-diwa ang ating alaala, at binibihag ang ating guniguni.
TULA - ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod at saknong. Ito rin at uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Layunin ng Akda
"Ang layunin ng akda ay maipahayag sa atin ang sama samang pagdama sa kalipusan ng pag-asa, ang ganap na pagkabigo, ang katiwasayan ng loob na ang lahat ay nakukulayan ng isang mahiwagang kapanglawan at ang kapanglawang ito ay ang lalong magiging kapuna-puna sa pagkalumbay na nararamdaman sa halip na galit. Layunin din ng may-akda na ipaunawa sa atin na ang buhay ay hiniram lang, kung kaya't bilang mga taong may kanya kanyang damdamin ay huwag magpapadalos dalos sa mga nagiging desisyon, dala ng matinding emosyon na maaarin mong pagsisihan sa bandang huli."
Tema o Paksa ng Akda
"May kalayaan tayo na sayangin ang araw at maglasing, pero ang paglalasing ay daan para itago ang katotohanan at pasayahin ang isip at hindi ang mga sagot."
Tauhan sa Akda
Edward Fitzgerald - siya ang nagsalin ng tula ni Omar Khayyam sa wikang Ingles na nilimbag noong 1859, at noong ika-limang pagkakalimbag noong 1880.
Tagpuan at Panahon
Ang akda ay walang binanggit na panahon at tagpuan dahil ito ay isang halimbawa ng Tula.
Nilalaman ng Akda
"Ang tulang Rubaiyat ay nagsasaad lamang na ang oras sa buhay ng tao ay napakahalaga na walang makakatalo dito o makakapantay sa bawat segindong binibigyan tayo ng pagkakataon oara maging masaya, ngunit sa bawat segundo o oras na ito ay maaaring may magbago nang hindi natin namamalayan. Kung kaya't bilang isang tao, kung may nais kang gawin sa iyong buhay ay gawin mo na ito ng mas maaga dahil baka pag dating ng panahon na maubos na yung oras na nakalaan para sayo ay pagsisihan mo ang isang bagay na hindi mo nagawa habang nung meron kapang maraming oras at sinayang lang ang mga ito." -M.I.E.L.
Teoryang Pampanitikan
"Ang akda ay ginamitan ng teoryang pampanitikang Realismo. Bakit Realismo? Sapagkat nagpapahayag ito ng mga karanasan sa totoong buhay na nagbibigay sa ating ng mensahe o babala sa mga bagay na maaari nating gawin sa susunod o kasalukuyan. Ito ang napili naming teorya dahol dito mismo makikita ang pagkakaparehas ng akda sa mga totoong kaganapan na nangyayari sa buhay. Halimbawa nalang dun sa akda, na meron isang taong gustong maglasing, gusto niyang magpakalasing hindi dahil ginusto niya lang ito ngunit dahil ginusto niyang makatakas sa realidad ng buhay. Gusto niyang maitago lahat nung sakit na nararamdaman niya sa kasalukuyan. Kagaya ng mga ginagawa ng tao sa panahon ngayon, ginagawa nilang daan ang paglalasing upang makalimot sa lahat ng problemang pinagdadaanan nila. Umiinom sila dahil para kahit papaano maibsan yung sakit na nararamdaman nila at maramdaman panandalian yung saya. Saya na nakita lang nila sa pag-inom ng alak. Saya na nagdala sa kanila sa kabilang mundo kung saan doon nila natatamo yung kaligayahang hindi nila nakakamtan sa totoong buhay." -S.M.B.G.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento