Mga Talulot na Dugo: Kabanata 2
Ngugiwa Thiong’o
Pagkilala sa may akda:
Si Ngugi Wa Thiong’o ay isang manunulat na nagmula sa Kenya. Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Enero, 1938 sa Kamiriithu, malapit sa Limuru sa Kiambu district, Kenya. Ang kanyang ay nahuli noong Mau Mau War. Ang kanyang kapatid na lalaki, na si Mwangi ay aktibong sangkot sa Kenya land and Freedom Army, habang ang kaniyang ina ay pinahirapan sa Kamiriithu homeguard post. Siya ay nag-aral sa Alliance High School at nakatanggap ng B.A, in English sa Makerere University College sa Kampala, Uganda.
Noong 1976, tumulong siya sa paggawa ng Kamiriithu Community Education and Cultural Centre. Noong 1977, ang kanyang mensahe sa dulang Ngaahika Ndeenda(I Will Marry When I Want) ay nag-udlot sa dating pangalawang pangulo ng Kenya na si Daniel arap Moi sa pag aresto sakanya.Habang nasa kulungan ay isinulat niya ang kanyang unang modernong nobela sa Gikuyum, Caitaani mutharaba-Ini(Devil on the Cross).
Nang siya ay makalabs, hindi siya pinayagang makabalik sa kanyang trabaho sa pagiging propesor sa Unibersidad ng Nairobi. Dahil sa pagpapahirap na naransan ng kanyang pamilya, sila ay napilitang mangibang bansa. Saka lamang sila nakabalik sa Kenya ng mapatalsik sa pagiging pangalawang presidente si Arap Moi 22 taon ang nakalipas.
Si Ngugi ay naging propesor sa Comparative Literature and Performance Studies sa Unibersidad ng New York. Ngayon ay kilalal siya bilang isang propesor sa English and Comparative Literature at isang direktor sa International Center for Writing and Translation sa Unibersidad ng California, Irvine.
Noong ika-8 ng Agosto, 2004, si Ngugi ay nagbalik sa Kenya matapos ang isang buwan na paglilibot sa Silangang Aprika. Noong ika-11 ng Agosto, may mga magnanakaw na pinasok ang kanilang tahanan; inatake nila si Ngugi habang ginahasa naman nila ang kanyang asawa at ninakawa ang mga mahalagang kagamitan sa kanilang tahanan. Matapos ng pangyayaring iyon napagdesisyunan nilang magbalik ng Amerika.

Uri ng panitikan:
Nobela
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitkan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinaka pangunahing sangkap ay ang pagbabalangkas ng hangarin ng bayani sa dako at hangarin ng katunggali sa kabila-isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Layunin ng may akda:
Ang motibo ng akda ay ipaalam sa atin kung gaano kahalaga ang edukasyon. Ipinapaalam din sa’tin kung gaano kalaki ang ginagawa ng mga guro para maturuan ang mga estudyante.
Dahil sa matibo ng may akda, natutunan naming na may pag-asa pa na seryosohin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Malalaman kasi sa akdang ito na ginagawa ng guro ang lahat sa kanilang pagtuturo kung kaya’t sila ay nararapat na pahalagahan at pakinggan ng mabuti.

Tema at Paksa ng akda:
Tema nito ang ipakita ang estado ng lipunan na nakakaapekto sa edukasyon sa Kenya. Kahirapan ang dahilan kung bakit maraming mga tao sa talulot na dugo ang hindi nakapag-aral. At tema din nito ipakita kung ano ang kahalagahan ng edukasyon.
Mga Tauhan ng akda:
Munira – Isang boy/katulong na nagpupunta sa Ilmorog upang makapagturo sa kanyang sira-sirang paaralan. Napa-ibig kay Wanja at isang arsonista na pinaghahanap ng mga pulis.
Wanja – Apo ni Nyakinyua. Isang dalubhasang barmaid (waitress sa bar) na umiiwas sa kanyang nakaraan sa siyudad.
Abdulla – Isang may-ari ng tindahan na nawalan ng bintisa Mau Mau rebellion.
Karega – Isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang isang teaching assistant sa paaralan ni Munira bago mabago ang maling akala at tumungo sa siyudad.
Nyakinyua – Ang pinaka-iginagalang na matandang babae ng barangay, at lola ni Wanja.
Kimeria– Isang walang awang negosyante na isang parte ng New Kenya Elite.
Chui – Isang mag-aaral sa prestihiyoso, dating European Sirian ang paaralan, siya ay namuno ng paghihimagsik ng mga estudyante.
Nderiwa Riera – Ang local na politico ng distrito ng Ilmorog, nanakatira at nagtatrabaho sa Nairobi.
Mituri, Njuguna’t Ruoro – Tatlong makaririwasang pesante
Njuguna’y – Siyaang nangarap na maisuot ang ngome
Tandang Njugu – Ang taga pagturo sa kakatwang tatluhan
Mzungu – Ang tagapag salakay sa kababayan
Mwathiwa Mugo – Ang taga-gawa ng banal para sa mga tagaytay
Uhere o Mutung ‘u – Ang taga-taboy ng mga iniwang asawa sa Ilmorog
Ndemi – Siyang espiritu na galing sa puntod
Kabayong Bakal – Ang alagang hayop ni Godfrey Munira
Mga bata – Ang mga nagmamanman kay Godfrey
Muturi – Ang tagapag puri ni Abdulla
Mzigo – Ang may-ari ng napakalinis at napaka ayos na opisina
Tagpuan at Panahon:
Ilmorog - Ito ang lugar kung saan nagpunta si Godfrey Munira para mag-turo
Paaralan - Ito ang pinuntahan ni Munira. Ito ay luma na at sira-sira na ang mga gamit dito
Athamaki - Ito ay isang magsasakang komunidad
Bukirin ng Europa at malalaking nayon - dito gustong magsaka ang mga lalake
Akasya - dito nag tuturo si Munira dahil sira ang eskuwlahan
Tindahan ni Abdulla - dito nagpupunta ang mga nagpapastol upang mag inuman at kumakanta tungkol sa kanilang mga baka at kambing

Panahon:
Labindalawang taon - ang panahon kung saan unang dumating si Godfrey Munira
Isang buwan -nanatili si Munira sa Ilmorog para magturo
Sa gabi - may matandang babae ang tumae nang gabundok
Kinaumagahan - nakita ng mga bata ang gabundok na tae at ikinuwento nila sa kanilang mga magulang kung ano ang kanilang nakita
Biyernes o Sabado – itong dalawang araw na ito ang araw ng pahinga para sa mga nagpapastol at pumupunta silang Ilmorog sa tindahan at mag-uusap at kakanta ukol sa kanilang mga baka at kambing
Buwan ng Enero - sinasabing mainit na buwan sa Kenya at tinatawag ding "panahon ng githemithu"

Nilalaman at Balangkas ng mga pangyayari:
Labindalawang taon nang nakalipas, dumating sa Ilmorog si Godfrey Munira sakay ng isang kabayong bakal patungo sa bahay sa dating bakuran ng isang paaralan. Pinagmasdan niya ang paaralan ng ilang sandali, pagkatapos, pumasok siya at napansin ang silid ay puno ng mga patay na gagamba at agiw. Habang sinisiyasat niya ang paligid, sumagi sa isip niya ang mga mag-aaral. Mga batang pastol na inuuna ang pagtatrabaho sa halip na pag-aaral.
Pagkaraan ng isang buwan, nag-umpisang magklase si Munira sa ilalim ng akasya malapit sa lugar kung saan nakahimlay ang puntod ng maalamat na si Ndemi.
Sa gabi, ang matandang bababe ay tumae sa pagitan ng paaralan at akasya. Kinaumagahan, nakita ng mga bata ang dumi at patakbong bumalik sa kanilang mga magulang para i-kwento ang tungkol sa bagong guro.
Sa loob ng isang linggo, nagkaroon ng pagtutugis si Munira sa nawawalang mga mag-aaral. Inabutan niya ang isa at hinabol ang mag-aaral. Itinanong ni Munira sa mag-aaral ang kanyang ngalan at ang tungkol sa kanyang mga magulang. Itinanong rin ni Munira kung bakit ayaw niyang mag-aral. Sinagot siya ng mag-aaral at sinabing ewan niya.
Hinintay ng matandang babae si Munira sa kabila ng kei-apple na bakod ng paaralan. Tumabi si Munira ngunit tumindig ang matandang babae at ipinantungkod ang maliit na sanga. Nagtanong ang babae kay Munira, kung taga-saan siya at inilarawan niya rin ang lugar na ito at kung anu-ano ang makikita rito. Iginala ni Munira ang paningin niya sa babae at patungo sa paaralan, at pinag-isipan kung anong gusto niya. Ipinaliwanag ng babae ang mga kabataan na lumuwas sa lungsod at hindi na bumalik at kung minsan, babalik lang kasama ang kamalasan at aalis muli. Pumitas siya ng isang kei-apple at pinisa ito. Naamoy ni Munira ang alingasaw ng nabubulok na kei-apple at dahil dito isang maliit na uhog ang lumipad sa mukha ng matandang babae. Mabilis na lumayo ito at naglaho dahil sa takot.
Nagtungo si Munira sa tindahan ni Abdulla at dumating ang tatlong lalaki, sina Muturi, Njugna at Ruoro. Nagsimula silang mag-usap tungkol sa kalagayan ng panahon, tulad ng tungkol sa mga bata at ang kanilang pangamba na baka hindi umulan. Pinag-uusapan ng mga magsasaka ang kanilang mga saloobin sapagkat matagal nang di umuulan ng ibaling ni Munira ang usapan sa usaping pampaaralan. Natapag-usapan nila at natanong kay Munira kung kaya pa niyang pangasiwaan mag-isa ang paaralan na tinuturuan ni Munira at sinabing kaya niya. Ipinaliwanag ng mabuti ni Munira ang mabuting maidudulot ng paaralan at nakiusap para sa pakikiisa ng mga ito. Ang mga bata ay nagsimulang kumanta ng malakas ngunit ilan sa mga ito'y nagsitakbo papalabas ng paaralan para isipol ang tunay na awiting ng mga pastol sa kanilang mga baka o di kaya'y maglaro sa bukid. Nagpatawag ng pagtitipon ng mga estudyante si Munira ngunit ito'y dinaluhan lamang ng lilima na kanya namang ikinadismaya. Gamit ang kanyan bisikleta tinahak ni Munira ang kalsadang minsang naging isang riles ng tren uoang magtungong Ruwa-Ini at magtungo sa Opisina ni Uzigo at pinag-usapan nila ang plano nitong pagdadagdag ng mga guro sa paaralan ng Ilmorog. Nawala ang lungkot ni Munira at napalitan ito ng saya kaya sa halip na siya ay magbitiw, siya ay nangolekta ng mga tisa,aklat,pasanay at iba pang mga papel sulatan.

Teoryang pampanitikan na angkop sa akda:
Ang akda ay nilapatan ng mga teoryang pampanitikan tulad ng Marxismo at Klasismo. Marxismo sapagkat ipinapakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekoniyang kahitapan at suliraning panlipunan. Klasismo sapagkat ito ay naglalahad ng karaniwang pangyayari at mga pangyayaring payak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento