Lunes, Disyembre 19, 2016

Ang Pinili ni Uncle Ben [GROUP 3]

"Ang Pinili ni Uncle Ben"

Pagkilala sa may-akda

 Chinua Achebe

Si Chinua Achebe ay ipinanganak sa Igbo Town ng Ogidi sa Eastern Nigeria noong Ika-16 ng Nobyembre 1930. Pagkatapos niyang maging edukado sa wikang Ingles sa University of Ibadan noong 1961. Si Achebe ay sumali sa "The Nigerian Broadcasting Corporation" bilang isang direktor. Nanatili siya doon hanggang 1966.
Bago siya sumali sa NBC noong 1958, kaniyang inimprenta ang kanyang mga nobelang "Things Fall Apart" at ang nobelang ito ay sumikat.
1960s at 1970s
Sa dekadang ito niya isinulat ang kanyang mga nobelang "No Longer at Ease" (1960), "Arrow of God" (1964) at "A Man of the People" (1966). Ang mga ito ay patungkol sa tradisyunal na pamamaraan nag buhay at pagkakaroon nito ng komplikado, madalas kolonyal na pananaw.

 

Uri ng Panitikan

Ang akda ay isang halimbawa ng maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinakasangkutan ng isa o higit pang tauhan na may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Layunin ng may-akda

Isa sa mga layunin ng may-akda ay inilalarawan ang buhay at takbo ng ekonomiya sa mga batang hindi isinilang noon. Ito ay upang malaman na ang ekonomiya ngayon ay mas malakas kaysa noon dahil sa pagtaas ng mga bayarin at sweldo. Layunin din niyang turuan ang mga mambabasa na maging alisto at mapanuri sa mga pangyayari sa kapaligiran, kailangan ito upang maiwasang  maloko, manakawan, maisahan at iba pa. Layunin din niyang turuan ang mga mambabasa na huwag gawin ang isang mahirap na bagay  tulad ng pag-inom ng alak kung hindi ito kaya , isa pa dapat na matutunan na sumunod ang mga manginginom na itigil ang kanilang gawain. Dapat daw na matutong tumanggi sa mga bagay-bagay na hindi nakakabuti para sa iyo. Layunin din niyang ipaliwanag na mas mahalaga ang pamilya kaysa kayamanan.

Tema o Paksa ng akda

Sumasalamin ang akdang ito tungkol sa isang klerk na may prinsipyo sa kanyang sarili at ang prinsipyo na iyon ay ang paniniwala niya sa mga turo ng kanyang ama kung ano ba dapat ang kanyang mga gagawin o desisyon sa buhay at tungkol din sa paniniwala ng mga Nigerian na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa yaman dahil ang kayamanan ay puwedeng mawala o mag-laho samantalang ang pamilya ay hindi mo mapapalitan at makakasama mo habang buhay  dito sa mundong ibabaw.

Tauhan o karakter sa akda

Si Ben ang pangunahing tauhan sa kwento. Parati niyang sinusunod ang aral na nakuha niya mula sa kanyang ama. Wala siyang tiwala sa mga segunda manong bagay. Naniniwala siya na dapat piliin ang pamilya kaysa sa kayamanan. Si Margaret Jumbo naman ay ang babaeng nagustohan ni Ben. Si Matthew ay ang kaniyang kaibigang unang pinuntahan noong binisita siya ni Mami Wata. Si Mami Wata naman ang diwata ng Ilog Niger at siya din ang bumisita kay Ben upang alukin itong maging ka-relasyon. Si Dr. J.M. Stuart-Young naman ang pinaka-mayamang tao sa Nigeria noong panahong iyon at naging kalaguyo din siya ni Mami Wata.

Tagpuan at Panahon

Ang akda ay naganap noong taong 1919 sa lugar ng Umuru sa bansang Nigeria at nakatira ang pangunahing karakter malapit sa Ilog Niger na binabantayan ng diwatang si Mami Wata.

Nilalaman at Balangkas ng mga Pangyayari

Si Ben ay isang regular ng klerk na laging naniniwala at sumusunod sa tatay niya. Naniniwala din siya na ang babae ay matatalas kung kaya hindi siya kumakain ng kahit na anong luto ng mga babae. Ngunit may isang babae na katangi-tangi at yun ay si Margaret Jumbo. Ngunit may dahilan kung bakit ito naudlot dahil sa isang pangyayari.
Isang gabi pagkatapos niyang uminom sa isang Club at umuwi na sa maliit na bahay na binigay ng kompanya kung saan siya nag-tatrabaho dahil na-promote siya bilang Senior Clerk. Nagulat siya dahil pagkahiga niya ay may babaeng nakahiga din sa kama niya. Noong una ay inakala niya na si Margaret iyonngunit nang tumagal ay napagtanto niya na hindi pala ito si Margaret.
Natakot siya kaya tumakbo siya papunta sa bahay ng kaibigan niyang si Matthew at doon niya nalaman na ang babaeng iyon pala ay ang diwatang si Mami Wata. Inalok siya nitong maging kalaguyo ngunit sa sobrang takot niya ay hindi siya nakapagsalita at kumaripas ng takbo. Sunod namang binisita ng diwata si Dr. J.M. Stuart-Young na isang komersiyanteng puti na naging pinakamayaman sa kanilang bansa dahil naging karelasyon siya ni Mamo Wata.

Teoryang Pampanitikan na angkop sa akda

Realismo ito dahil ipinapakita nito ang tunay na sweldong natatanggap ng mga tao sa Nigeria noong 1919.
"Noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, isa akong klerk sa Niger Company sa Umuru. Ang klerk noong panahong iyon ay parang ministo ngayon . Two pounds ten ang sweldo ko. Pwede mong tawan-tawanan ito pero ang two pounds ten noong panahong iyon ay parang fifty pounds ngayon. Sa four shillings, makabibili ka na ng kambing. Natatandaan ko pa, ang Aprikanong may pinakamataas na posisyon sa kompanya noon ay isang taong Saro na sumusweldo ng ten-thirteen-four. Sa tingin namin, para na rin siyang Gobernador- Heneral."
Eksistensyalismo ito dahil pinapakita rito na nakakapag-desisyon siya para sa kanyang sarili at hindi nawawaglit ang kanyang katinuan sa lahat ng oras.
"Matunog na matunog ang pangalan ko. Pero merong isang bagay na dapat niyong malaman tungkol sa akin--- puwede tayong magtawanan at mag biruan , mag-inuman at gumawa ng kung ano-ano pa, pero ni minsan ay hindi mawawaglit ang aking katinuan . Sabi ng ama ko, ang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog nang dilat ang isang mata. Hinding-hindi ko ito malilimutan. Nakipaglaro at nakipagtawanan ako sa lahat at tinatawag akong "Jolly Ben!, Jolly Ben!" pero alam ko ang ginagawa ko."
Feminismo ito dahil pinapakita rito ang kakayahan ng mga kababaihan at ang mga lalaki sa Uhuru ay ginagalang at kinkatakutan sila.
"Matatalas ang mga babae ng Uhuru, bago ka pa man makapagbilang  ay nakabilang na sila ng dalawa. Kaya kailangan kong mag-ingat. Ni minsan ay hindi ko itnuturo sa kanila ang papunta sa amin, ni hindi ko tinitikman ang anumang pagkaing luto nila pagkat baka may gayuma ito. Marami akong nakitang lalaki na napakahangal sa mga babaeng ito, kaya lagi kong tinatandaan ang sabi ng ama ko: "Mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sa iyo."
Realismo ito dahil pinpakiata rito ang ang tunay na nangyayari buwan-buwan sa buhay ng mga nagtatrabaho.
"Alam mo naman, hamak na mas masaya ang Bagong Taon kaysa pasko--- para sa ating mga naubuhay tuwing katapusan ng buwan. Maikli ang kumot pagdating ng araw ng Pasko, pero sa Bagong Taon ay makapal na naman ang bulsa.
Moralistiko ito dahil pinapakita rito kung ano ang tamang piliin sa buhay.
"Hindi ko sinabi sa atin ng ating mga nuno na ang dapt nating piliin ay yaman sa halip na mga asawa at anak."
Moralistiko ito dahil pinapakita rito na mas makakabuti na piliin ang pamilya kaysa kayamanan.
"Nasaan ang taong mas gusto ang yaman kaysa mga anak? Liban na lamang siguro sa siraulo gaya ni Dr. J.M. Stuart-Young. A, hindi ko nga pala nabida sa  iyo. Noong gabing iyon na itinaboy ko si Mami Wata, nagpunta si kay Dr. J.M. Stuart-Young, isang komersiyanteng puti at siya'y naging kalaguyo nito. Kilala mo siya?... A, oo siya ang naging pinakamayamanang tao sa bansa. Pero hindi pumayag si Mami Wata na pakasal sa kanya. Nang mamatay siya, anong nangyari? Ang lahat ng kanyang kayamanan ay napunta sa iba. Iyan ba ang klase ng yamang hanap natin? Tinatanong kita. Sana hindi!"


"Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi"

Pagkilala sa may-akda

Obotunde Ijimere

Si Obotunde Ijimere ay ipinanganak sa Otan Aijegbaju, Western Nigeria noong 1930. Pgkatapos niyang mag-aral ng sekondarya ay sumali siya sa kompanyang teatro ni Duro Ladispo, pero hindi siya nagtagal at napagisipan niyang hindi siya nararapat sa pag-arte. Sumali siya sa isang workshop sa Oshogbo at sinunod ang kanyang hilig na magsulat sa Ingles kaysa Yoruba.

Uri ng Panitikan

Ang akdang ito ay isang halimbawa ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

Layunin ng may-akda

Layunin ng may-akda na mapaalam sa mga mambabasa nakahit gaano ka pa kalakas, mayroon at mayroon pa ring makatatalo sa iyo. Kaya't huwag maging mayabang at mapag mataas. Layunin din ng may-akda na ipaliwanag ang lakas ng mga kababaihan. Hindi dapat sila maliitin sa kanilang hitsura o lakas at dapat silang intindihin at respetuhin dahil maraming kalakasan ang mga babae.

Tema o Paksa

Sumasalamin ang akdang ito sa ideyolohiyang ang mas makapangyarihang tao sa lipunan ay dinidiskrimina ang mga kababaihan at mga taong nasa mababang anats ng lipunan. Ngunit matututunan din nila na ipaglaban ang kanilang pagkatao, kahit na mas mas mataas ang antas mo sa lipunan, huwag mong kalimutang pare-pareho lang tayong tao at dapat hindi tayo nang dididskrimina ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan.

Tauhan o Karakter sa akda

Si Isembi ang hari ng kagubatan at para sa kanya, siya ang pinakamalakas sa mundong ito. Si Ogboinba naman, siya ang pumunta sa kaharian ni Isembi, nang pumunta siya sa kagubatan ni Isembi, kinutya siya at diniskrimina ang kanyang pagkatao at ang kanyang kalakasan ngunit sa huli natalo pa rin niya si Isembi.

Tagpuan at Panahon

Nangyari ang akda sa kagubatang pinaghaharian ni Isembi ata ayaw niyang may estrangherong pumupunta rito.

Nilalaman at Balangkas ng mga Pangyayari

Papasok si Ogboinba sa gubat na pinag haharian ni Isembi na hari nang kagubatan at ang tingin sa mga babae ay mahina. Inutusan ni Isembi na huwag tumuloy si Ogboinba sa kagubatan niya ngunit hindi ito pinakinggan ni Ogboinba. At sinabi niya na hindi siya nito mapapasunod at ipinakilala din ni Ogboinba ang kanyang sarili na wala raw siyang kapantay sa mundo. Dahil dito ay nagalit si Isembi at sinagot si Ogboinba na huwag itong masyadong mataas ang tingin sa sarili at walang taong makaka suway sa kanya lalo na si Ogboinba dahil siya ay isang babae lamang. Dahil dito ay hinamon siya ni Ogboinba ng palakasan at hindi ito inurungan ni Isembi. Sinumpa ni Isembi si Ogboinba ngunit habang sinusumpa niya si Ogboinba ay hindi niya namalayan na ibinalik ni Ogboinba kay Isembi ang kanyang sumpa na nakalaan sa kanya. Dahil dito ay natalo si Isembi at tanging pang didiskrimina na lang ang naisagot niya kay Ogboinba. Sa huli ay tumuloy na sa gubat si Ogboinba kasama ang kanyang mga espiritung kapangyarihan.

Teoryang Pampanitikan na angkop sa akda

Feminismo ito dahil pinapakita rito na hindi dapat kutyain ang mga kababaihan at ang kalakasan ng mga babae.
"Huwag mong hamakin ang aking pagkababae!
 Humaharap ako sa iyo ngayon
Walang kasarian, walang matris
Ang kapangyariahan ko'y higit pa sa kayang arukin ng tao!
Ipinagkaloob ito kapalit ng kawalan ng magiging mga anak!
Hinahamon kitang ipakita ang iyong lakas."
Eksistensyalismo ito dahil pinapakita rito ang desisyon ni Isembi na hindi niya gustong may estrangherong pumapasok sa kanyang kasarian.
"Huwag ka nang tumuloy
Walang nilalang na sumuway sa aking utos
Walang sinuman ang makakapasok
Sa aking sagradong kakahuyan
Kung sino ka man--- umalis ka."
Humanismo ito dahil pinapakiat rito ang kalakasan ng karakter at sa tingin niya wala siyang kasing lakas sa mundo.
"Hindi ako sunod-sunuran!
Alamin mo. Ako si Ogboinba;
Wala akong kapantay sa mundong ito."
Imahismo ito dahil pinpakita rito na gumamit ang awtor ng mga salitang magpapalawak sa imahinasyon ng mambabasa habang binabasa ang akda.
"Hayaang mapawi ang iyong tamis ng gisantes
At iyong pait ng kola
Hayaang ang luya, lunurin ka ng pampalasa;
At ang sili, ng anghang!
Hayaang gupuin ang iyong balat ng bulak!
Kunin ang iyong lakas--- tulad ng natumbang palma!
Duguin ka tulad ng mga papansin!"
Mga miyembro:
Ferrer
Santos
Evangelista
Pelayo
Castro
Relox
Sanchez
Salvador
Hubahib
`

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento