Miyerkules, Disyembre 21, 2016

Mga Talulot na Dugo: Kabanata 2 [GROUP 2}

Mga Talulot na Dugo: Kabanata 2
Ngugiwa Thiong’o

Pagkilala sa may akda:
   Si Ngugi Wa Thiong’o ay isang manunulat na nagmula sa Kenya. Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Enero, 1938 sa Kamiriithu, malapit sa Limuru sa Kiambu district, Kenya. Ang kanyang ay nahuli noong Mau Mau War. Ang kanyang kapatid na lalaki, na si Mwangi ay aktibong sangkot sa Kenya land and Freedom Army, habang ang kaniyang ina ay pinahirapan sa Kamiriithu homeguard post. Siya ay nag-aral sa Alliance High School at nakatanggap ng B.A, in English sa Makerere University College sa Kampala, Uganda. 
   Noong 1976, tumulong siya sa paggawa ng Kamiriithu Community Education and Cultural Centre. Noong 1977, ang kanyang mensahe sa dulang Ngaahika Ndeenda(I Will Marry When I Want) ay nag-udlot sa dating pangalawang pangulo ng Kenya na si Daniel arap Moi sa pag aresto sakanya.Habang nasa kulungan ay isinulat niya ang kanyang unang modernong nobela sa Gikuyum, Caitaani mutharaba-Ini(Devil on the Cross).
   Nang siya ay makalabs, hindi siya pinayagang makabalik sa kanyang trabaho sa pagiging propesor sa Unibersidad ng Nairobi. Dahil sa pagpapahirap na naransan ng kanyang pamilya, sila ay napilitang mangibang bansa. Saka lamang sila nakabalik sa Kenya ng mapatalsik sa pagiging pangalawang presidente si Arap Moi 22 taon ang nakalipas.
   Si Ngugi ay naging propesor sa Comparative Literature and Performance Studies sa Unibersidad ng New York. Ngayon ay kilalal siya bilang isang propesor sa English and Comparative Literature at isang direktor sa International Center for Writing and Translation sa Unibersidad ng California, Irvine.
   Noong ika-8 ng Agosto, 2004, si Ngugi ay nagbalik sa Kenya matapos ang isang buwan na paglilibot sa Silangang Aprika. Noong ika-11 ng Agosto, may mga magnanakaw na pinasok ang kanilang tahanan; inatake nila si Ngugi habang ginahasa naman nila ang kanyang asawa at ninakawa ang mga mahalagang kagamitan sa kanilang tahanan. Matapos ng pangyayaring iyon napagdesisyunan nilang magbalik ng Amerika.
Uri ng panitikan:
Nobela
   Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitkan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinaka pangunahing sangkap ay ang pagbabalangkas ng hangarin ng bayani sa dako at hangarin ng katunggali sa kabila-isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.


Layunin ng may akda:
   Ang motibo ng akda ay ipaalam sa atin kung gaano kahalaga ang edukasyon. Ipinapaalam din sa’tin kung gaano kalaki ang ginagawa ng mga guro para maturuan ang mga estudyante.
   Dahil sa matibo ng may akda, natutunan naming na may pag-asa pa na seryosohin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Malalaman kasi sa akdang ito na ginagawa ng guro ang lahat sa kanilang pagtuturo kung kaya’t sila ay nararapat na pahalagahan at pakinggan ng mabuti.
Tema at Paksa ng akda:
   Tema nito ang ipakita ang estado ng lipunan na nakakaapekto sa edukasyon sa Kenya. Kahirapan ang dahilan kung bakit maraming mga tao sa talulot na dugo ang hindi nakapag-aral. At tema din nito ipakita kung ano ang kahalagahan ng edukasyon.
Mga Tauhan ng akda:
Munira – Isang boy/katulong na nagpupunta sa Ilmorog upang makapagturo sa kanyang sira-sirang paaralan. Napa-ibig kay Wanja at isang arsonista na pinaghahanap ng mga pulis.
Wanja – Apo ni Nyakinyua. Isang dalubhasang barmaid (waitress sa bar) na umiiwas sa kanyang nakaraan sa siyudad.
Abdulla – Isang may-ari ng tindahan na nawalan ng bintisa Mau Mau rebellion.
Karega – Isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang isang teaching assistant sa paaralan ni Munira bago mabago ang maling akala at tumungo sa siyudad.
Nyakinyua – Ang pinaka-iginagalang na matandang babae ng barangay, at lola ni Wanja.
Kimeria– Isang walang awang negosyante na isang parte ng New Kenya Elite.
Chui – Isang mag-aaral sa prestihiyoso, dating European Sirian ang paaralan, siya ay namuno ng paghihimagsik ng mga estudyante.
Nderiwa Riera – Ang local na politico ng distrito ng Ilmorog, nanakatira at nagtatrabaho sa Nairobi.
Mituri, Njuguna’t Ruoro – Tatlong makaririwasang pesante
Njuguna’y – Siyaang nangarap na maisuot ang ngome
Tandang Njugu – Ang taga pagturo sa kakatwang tatluhan
Mzungu – Ang tagapag salakay sa kababayan
Mwathiwa  Mugo – Ang taga-gawa ng banal para sa mga tagaytay
Uhere o Mutung ‘u – Ang taga-taboy ng mga iniwang asawa sa Ilmorog
Ndemi – Siyang espiritu na galing sa puntod
Kabayong Bakal – Ang alagang hayop ni Godfrey Munira
Mga bata – Ang mga nagmamanman kay Godfrey
Muturi – Ang tagapag puri ni Abdulla
Mzigo – Ang may-ari ng napakalinis at napaka ayos na opisina
Tagpuan at Panahon:
Ilmorog - Ito ang lugar kung saan nagpunta si Godfrey Munira para mag-turo
Paaralan - Ito ang pinuntahan ni Munira. Ito ay luma na at sira-sira na ang mga gamit dito
Athamaki - Ito ay isang magsasakang komunidad
Bukirin ng Europa at malalaking nayon - dito gustong magsaka ang mga lalake
Akasya - dito nag tuturo si Munira dahil sira ang eskuwlahan
Tindahan ni Abdulla - dito nagpupunta ang mga nagpapastol upang mag inuman at kumakanta tungkol sa kanilang mga baka at kambing
Panahon:
Labindalawang taon - ang panahon kung saan unang dumating si Godfrey Munira
Isang buwan  -nanatili si Munira sa Ilmorog para magturo
Sa gabi - may matandang babae ang tumae nang gabundok
Kinaumagahan - nakita ng mga bata ang gabundok na tae at ikinuwento nila sa kanilang mga magulang kung ano ang kanilang nakita
Biyernes o Sabado – itong dalawang araw na ito ang araw ng pahinga para sa mga nagpapastol at pumupunta silang Ilmorog sa tindahan at mag-uusap at kakanta ukol sa kanilang mga baka at kambing
Buwan ng Enero - sinasabing mainit na buwan sa Kenya at tinatawag ding "panahon ng githemithu"
Nilalaman at Balangkas ng mga pangyayari:
   Labindalawang taon nang nakalipas, dumating sa Ilmorog si Godfrey Munira sakay ng isang kabayong bakal patungo sa bahay sa dating bakuran ng isang paaralan. Pinagmasdan niya ang paaralan ng ilang sandali, pagkatapos, pumasok siya at napansin ang silid ay puno ng mga patay na gagamba at agiw. Habang sinisiyasat niya ang paligid, sumagi sa isip niya ang mga mag-aaral. Mga batang pastol na inuuna ang pagtatrabaho sa halip na pag-aaral.
   Pagkaraan ng isang buwan, nag-umpisang magklase si Munira sa ilalim ng akasya malapit sa lugar kung saan nakahimlay ang puntod ng maalamat na si Ndemi.
   Sa gabi, ang matandang bababe ay tumae sa pagitan ng paaralan at akasya. Kinaumagahan, nakita ng mga bata ang dumi at patakbong bumalik sa kanilang mga magulang para i-kwento ang tungkol sa bagong guro.
   Sa loob ng isang linggo, nagkaroon ng pagtutugis si Munira sa nawawalang mga mag-aaral. Inabutan niya ang isa at hinabol ang mag-aaral. Itinanong ni Munira sa mag-aaral ang kanyang ngalan at ang tungkol sa kanyang mga magulang. Itinanong rin ni Munira kung bakit ayaw niyang mag-aral. Sinagot siya ng mag-aaral at sinabing ewan niya.
   Hinintay ng matandang babae si Munira sa kabila ng kei-apple na bakod ng paaralan. Tumabi si Munira ngunit tumindig ang matandang babae at ipinantungkod ang maliit na sanga. Nagtanong ang babae kay Munira, kung taga-saan siya at inilarawan niya rin ang lugar na ito at kung anu-ano ang makikita rito. Iginala ni Munira ang paningin niya sa babae at patungo sa paaralan, at pinag-isipan kung anong gusto niya. Ipinaliwanag ng babae ang mga kabataan na lumuwas sa lungsod at hindi na bumalik at kung minsan, babalik lang kasama ang kamalasan at aalis muli. Pumitas siya ng isang kei-apple at pinisa ito. Naamoy ni Munira ang alingasaw ng nabubulok na kei-apple at dahil dito isang maliit na uhog ang lumipad sa mukha ng matandang babae. Mabilis na lumayo ito at naglaho dahil sa takot.
   Nagtungo si Munira sa tindahan ni Abdulla at dumating ang tatlong lalaki, sina Muturi, Njugna at Ruoro. Nagsimula silang mag-usap tungkol sa kalagayan ng panahon, tulad ng tungkol sa mga bata at ang kanilang pangamba na baka hindi umulan.
   Pinag-uusapan ng mga magsasaka ang kanilang mga saloobin sapagkat matagal nang di umuulan ng ibaling ni Munira ang usapan sa usaping pampaaralan. Natapag-usapan nila at natanong kay Munira kung kaya pa niyang pangasiwaan mag-isa ang paaralan na tinuturuan ni Munira at sinabing kaya niya. Ipinaliwanag ng mabuti ni Munira ang mabuting maidudulot ng paaralan at nakiusap para sa pakikiisa ng mga ito. Ang mga bata ay nagsimulang kumanta ng malakas ngunit ilan sa mga ito'y nagsitakbo papalabas ng paaralan para isipol ang tunay na awiting ng mga pastol sa kanilang mga baka o di kaya'y maglaro sa bukid. Nagpatawag ng pagtitipon ng mga estudyante si Munira ngunit ito'y dinaluhan lamang ng lilima na kanya namang ikinadismaya. Gamit ang kanyan bisikleta tinahak ni Munira ang kalsadang minsang naging isang riles ng tren uoang magtungong Ruwa-Ini at magtungo sa Opisina ni Uzigo at pinag-usapan nila ang plano nitong pagdadagdag ng mga guro sa paaralan ng Ilmorog. Nawala ang lungkot ni Munira at napalitan ito ng saya kaya sa halip na siya ay magbitiw, siya ay nangolekta ng mga tisa,aklat,pasanay at iba pang mga papel sulatan.
Teoryang pampanitikan na angkop sa akda:

   Ang akda ay nilapatan ng mga teoryang pampanitikan tulad ng Marxismo at Klasismo. Marxismo sapagkat ipinapakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekoniyang kahitapan at suliraning panlipunan. Klasismo sapagkat ito ay naglalahad ng karaniwang pangyayari at mga pangyayaring payak.

Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi [GROUP 2}

Woyengyi: Sa Kaharian Ni Isembi
Gabriel Imomotimi

Pagkilala sa may akda:
   Si Gabriel Imomotimi Gbaingbain Okara, anak ng pinuno ng Ijo, ay ipinanganak sa Bomoundi sa Niger Delta noong 1921. Siya ay nag-aral sa Government College Umuahia, at nakapagtapos sa Yaba Higer College. Noong World War II ay sinubukan niyang makapasok sa British Royal Air Force ngunit hindi niya natapos ang kanyang pagsasanay sa pagpi-piloto, at nagtrabaho na lamang siya sa British Overseas Airway Corporation(British Airways).
   Noong 1945, si Okara ay nakahanap ng trabaho bilang taga-imprinta at bookbinder para sa sariling publishing company ng Nigeria Government. Nanatili siya sa trabaho na iyo sa loob ng 9 na taon, at doon na rin siya nagsimulang magsulat. Noong una ay isinalin lamang niya sa Ingles ang Iljaw at nagsulat ng mga script para sa government radio.  Nag-aral siya sa Northwestern University noong 1949, at bago ang Nigerian Civil War ay nagtrabaho siya bilang isang Information Officer para sa Eastern Nigerian Government Service. Kasama si Chinua Achebe, siya ay naging ambassador para sa Biafra cause noong 1969. Mula 1972 hanggang 190 ay naging direktor siya sa Rivers State Publishing House sa Port Harcourt.
Uri ng panitkan:
Dula.
   Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang pinaka layunin nito ay itanghal ang tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatist, odramaturgo.
Layunin ng may akda:
   Ang motibo ng akda ay ang ipakita at ipaalam sa atin na hindi kalian man dapat maliitin ang mga babae at ang mga kakayahan nila. Ipinapaalam din na mayroon silang taglay na sariling lakas. Hindi man sila kasing lakas ng mga lalaki ngunit mayroon silang lakas na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
   Ang natutunan namin dito sa dula na ito ay huwag na huwag kang magyayabang sa ibang tao at isa pa ay huwag na huwag nating maliitin ang ating mga kababaihan. ‘Di porke babae lang sila ay babae LAMANG sila. Mayroon din silang angking kakayahan tulad ng nagawa ni Ogboinba nakayang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Tema at paksa ng may akda:
   Ang tema ng dulang ito ay ang pagpapakita ng kakayahang feminismo. Makikita sa labanan nina Woyengyi at ni Isembi na hindi dapat binabase ang lahat sa nakikita ng ating mga mata ang kanilang kakayahan.
Mga Tauhan ng akda:
Ogboinba – Ang pumasok sa gubat para sundan ang dalawang espiritung kapangyarihan
Isembi – Ang hari ng gubat
Tagpuan at Panahon:
Sa gubat - Dito naganap ang istorya at dito nakatira si Isembi
Nilalaman at balangkas ng mga pangyayari:
   Sa gubat, pumasok si Ogboinba mula sa kaliwa, kasama ang kanyang dalawang espiritung kapangyarihan, pinagmasdan niya sandali ang kanyang paligid nang pumasok naman mula sa kanan si Isembi, ang hari ng kagubatan, kasama rin ang kanyang dalawang espiritung kapangyarihan na mukhang mga ibon.
Sinumbatan ni Isembi si Ogboinba at binalaan na huwag nang tumuloy pa sakanyang kagubatan, subalit ay ipinagmalaki ni Ogboinba na siya’y walang kapantay sa mundo dahil sa angkin niyang kapangyarihan. Nagsimula na silang magtunggali. Naunang bumigkas ng mga bulong si Isembi. Nanghina at bumagsak si Ogboinba ngunit habang binibigkas ni Isembi ang kanyang huling dasal, nagsimula naman si Ogboinba. Binanggit niya ang mga salitang mahika. Bumalik ang lakas ni Ogboinba, samantalang nanghina naman si Isembi.
Tumalon si Ogboinba sa nanghihinang si Isembi at kinutya niya ito. Binatuhan niya ng mga masasakit na salita si Isembi at pinag sabihan na pumirmi na lamang sa gubat dahil isa siyang haring walang kapangyarihan at pagkatapos ay tuluyan nang umalis si Ogboinba kasama ang kanyang mga espiritung kapangyarihan.
Teoryang pampanitikan na angkop sa akda:
   Ang akda ay nilapatan ng mga teoryang pampanitikan tulad ng Feminismo, Humanismo at Eksistensyalismo. Feminismo sapagkat ipinipakita ang kalakasan at kakayahan ng babae tulad ni Igboinba at iniaangat nito ang pagtingin ng lipunan sa mga babae.Humanismo dahil ipinapakita din dito na tao ang sentro ng mundo at binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao. Eksistensyalismo dahil pinapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang panamatili sa mundo o tinatawag na human existence.                                                               


Lunes, Disyembre 19, 2016

Rubaiyat: Tula Mula sa Persia [GROUP 4]

received_1352535748124191.jpeg

Pagkilala sa may Akda

received_1350804824963950.jpeg
Si Omar Khayyam o Omar Khyham, ay isang makata mula sa Persia, isang astronomo, manunulat at iskolar na namuhay noong ika-11 daantaon AD. Siya ang may-akda ng kalipunan ng kanyang mga gawa ang Rubaiyat, na nalathala lamang dalawang daang taon pagkaraan ng kanyang kamatayan, at lumaong isinalin sa Ingles ni Edward Fitzgerald. Ipinangank siya sa lungsod ng Nishapur nakasalukuyang tinatawag na bansang Iran. Bilang isang dalubhasa, naitalaga siya sa tungkulin bilang royal na astronomo. Ginawa niyang madernisasyon o pagiging makabago ng kalendaryong Persia.

Uri ng Panitikan

Ang Rubaiyat ay hindi isang dakilang tula sapagkat ito'y hindi nagdudulot sa atin ng isang malalim at magandang pakahulugan sa buhay; ngunit ito'y isang tunay na tula, pagkat binibigyang-kasiyahan ang ating pandinig dahil sa angking musika, tinitigib sa mga kahanga-hangang larawan-diwa ang ating alaala, at binibihag ang ating guniguni.
TULA - ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod at saknong. Ito rin at uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

Layunin ng Akda

"Ang layunin ng akda ay maipahayag sa atin ang sama samang pagdama sa kalipusan ng pag-asa, ang ganap na pagkabigo, ang katiwasayan ng loob na ang lahat ay nakukulayan ng isang mahiwagang kapanglawan at ang kapanglawang ito ay ang lalong magiging kapuna-puna sa pagkalumbay na nararamdaman sa halip na galit. Layunin din ng may-akda na ipaunawa sa atin na ang buhay ay hiniram lang, kung kaya't bilang mga taong may kanya kanyang damdamin ay huwag magpapadalos dalos sa mga nagiging desisyon, dala ng matinding emosyon na maaarin mong pagsisihan sa bandang huli."

Tema o Paksa ng Akda

"May kalayaan tayo na sayangin ang araw at maglasing, pero ang paglalasing ay daan para itago ang katotohanan at pasayahin ang isip at hindi ang mga sagot."

 Tauhan sa Akda

Edward Fitzgerald - siya ang nagsalin ng tula ni Omar Khayyam sa wikang Ingles na nilimbag noong 1859, at noong ika-limang pagkakalimbag noong 1880.

Tagpuan at Panahon

Ang akda ay walang binanggit na panahon at tagpuan dahil ito ay isang halimbawa ng Tula.

Nilalaman ng Akda

"Ang tulang Rubaiyat ay nagsasaad lamang na ang oras sa buhay ng tao ay napakahalaga na walang makakatalo dito o makakapantay sa bawat segindong binibigyan tayo ng pagkakataon oara maging masaya, ngunit sa bawat segundo o oras na ito ay maaaring may magbago nang hindi natin namamalayan. Kung kaya't bilang isang tao, kung may nais kang gawin sa iyong buhay ay gawin mo na ito ng mas maaga dahil baka pag dating ng panahon na maubos na yung oras na nakalaan para sayo ay pagsisihan mo ang isang bagay na hindi mo nagawa habang nung meron kapang maraming oras at sinayang lang ang mga ito." -M.I.E.L.

Teoryang Pampanitikan

"Ang akda ay ginamitan ng teoryang pampanitikang Realismo. Bakit Realismo? Sapagkat nagpapahayag ito ng mga karanasan sa totoong buhay na nagbibigay sa ating ng mensahe o babala sa mga bagay na maaari nating gawin sa susunod o kasalukuyan. Ito ang napili naming teorya dahol dito mismo makikita ang pagkakaparehas ng akda sa mga totoong kaganapan na nangyayari sa buhay. Halimbawa nalang dun sa akda, na meron isang taong gustong maglasing, gusto niyang magpakalasing hindi dahil ginusto niya lang ito ngunit dahil ginusto niyang makatakas sa realidad ng buhay. Gusto niyang maitago lahat nung sakit na nararamdaman niya sa kasalukuyan. Kagaya ng mga ginagawa ng tao sa panahon ngayon, ginagawa nilang daan ang paglalasing upang makalimot sa lahat ng problemang pinagdadaanan nila. Umiinom sila dahil para kahit papaano maibsan yung sakit na nararamdaman nila at maramdaman panandalian yung saya. Saya na nakita lang nila sa pag-inom ng alak. Saya na nagdala sa kanila sa kabilang mundo kung saan doon nila natatamo yung kaligayahang hindi nila nakakamtan sa totoong buhay." -S.M.B.G.

Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi [GROUP 4]

vi_280370_4520748_267057.jpg

Pagkilala sa may Akda

Obutunde Ijimere - siya ay isang manunulat mula sa Persia. Ang bilang ng kanyang mga naging akda ay nasa 33 at ang kadalasang tinatalakay niya ay patungkol sa drama, criticism, interpretation, history, at fiction. Isa sa mga isinulat niyang akda ay ang Woyengi, sa kaharian ni Isembi. Halina't tunghayan natin ang istorya ng isang babaeng nagpamalas ng kanyang angking kalakasan at katapangan.

Uri ng Panitikan

Dula - ang dula ay akdang pampanitikang may layuning itanghal sa entablado sa pamamagitan ng kilos, galaw, at pananalita sa harap ng manonood. Isang sangkap ng dula ay ang mga diyalogo o usapan ng mga tauhan. At ito ay nahahati sa mga tagpo.
headerPhoto-drama-woyengi.jpg

Layunin ng Akda

"Ang layunin ng may akda ay ipahayag sa mga mambabasa na hindi porket babae na ang kaharap niya ay huhusgahan na nila agad ito ng mahina, tanga, bobo, at walang alam sa buhay. Hindi porket babae ay dapat ng binibigyan ng impresyong pang-bahay lang, dahil kahit ang mga babae ay makakayang gawin ang kung anong mga nagagawa ng kalalakihan, minsan pa nga'y nadadaigan pa ng babae ang lalaki. Pinapahayag lang sa akdang ito na huwag minamaliit ang kakayahan ng isang babae, tandaan lamang na lahat ng tao sa mundo ay may pantay pantay na kakayahan sa iba't ibang pamamaraan nga lang." -S.M.B.G

Tema o Paksa ng Akda

"Babae ka man o nakatataas, lahat tayo ay walang karapatang tumapak ng pagkatao nino man o magpaabuso kahit kanino lalo na kapag nasa katwiran, ipaglaban mo" -M.C.B.

Tauhan sa Akda

Isembi – Siya ang hari ng kagubatan. Isa siyang babae na ipinamalas sa mga mambabasa ang kanyang kakayahan, na kahit isa lamang siyang babe ay kaya niyang tapatan ang kung anong mang kalakasan din ng isang kalalakihan. Dito naganap kung saan inaya siyang makipag laban ni Ogboinba at hindi niya ito sinukuan, bagkus pinakita nito yung kakayahan na magagawa na rin ng isang kababaihan.
Ogboinba - Siya naman ang naghamon kay Isembi na makipaglaban dahil pilit niyang pinapaalis si Isembi ngunit ayaw niyang umalis sa kagubatang kanyang pinaghaharian. Siya ang may dalawang espiritong kapangyarihan. Kung kaya't nang sil'y naglaban ni Isembi, ay siya ang nagwagi, ngunit hindi nagpatalo o nagpadaig sa takot si Isembi kung kaya't natalo din siya nito sa bandang huli.

Tagpuan at Panahon

Gubat - dito ginanap ang pakikipagtagisan ng galing ng dalawang karakter sa akda. Si Isembi at Ogboinba kung saan nakadamit si Isembi na parang mangangaso habang si Ogboinba naman ay dala dalang dalawang espiritu ng kapangyarihan.

Nilalaman at Balangkas ng mga pangyayari

Sa isang kagubatan ay mayroong dalawang nilalang na magsasagupaan. Si Isembi at Ogboinba dala-dala ang kani-kanilang mga espirtung kapangyarihan. Sila'y nais magsagupaan dahil nais paalisin ni Ogboinba si Isembi sa sarili nitong kaharian. Hindi pumayag si Isembi at ipinagtanggol ang kanyang mga karapatan sa kanyang teritoryo kung kaya't pinaglaban niya ito. Nakipagtagisan siya ng galing kay Ogboinba kung saan sila'y nagpapalitan ng maaanghang na salita. Hanggang sa huli, ay napaalis niya si Ogboinba dala ang kanyang mga espiritu nang mapagtanto nitong hindi niya kayang labanan ang kapangyarihang taglay ni Isembi.

Teoryang Pampanitikan

Ang akda ay ginamitan ng Teoryang Pampanitikang Feminismo. Bakit Feminismo? Sapagkat pinapakita sa akda ang kalakasan ng isang babae na hindi nagpapaapi sa anumang gawin o sabihin ng isang lalaki. Dito pinakita kung paanong pinagtanggol ni Isembi ang kakayahan ng mga babae, na hindi porket siya babae ay pwede ng api-apihin o sabihing mahina dahil kahit mga babae ay kaya ring makipagsagupaan sa mga kalalakihan at makipaglaban. Halimbawa nalang dun sa akda, na nais paalisin ni Ogboinba si Isembi sa sarili mismo nitong kaharian. Bakit? Dahil nakita nitong babae ang naghahari at masasabi nitong kaya nitong paalisin si Isembi sa sarili nitong kaharian dahil siya'y lalaki? Patunay lang ito na ang ginawang pakikipagsagupaan ni Isembi kay Ogboinba ay ang pagpapakita ng katapangan at taglay ding galing at lakas ng mga kababaihan.

Group 4 (10-Cobalt)
Shiela Gregorio
Desa Mirasol
Isabel Lapuz
Clarisse Balatayo
Mariane Domingo
Kiara Gramatica
Lance Camacho
Dalton Cu
Jashtin Singh

Woyengi:Sa Kaharian ni Isembi at Handa Akong Mamatay [GROUP 1]

This work can be subjected to change until 10/19/2016 6:00pm

Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi

Pagkilala sa May Akda

    Gabriel Immotimi Gbaingbain Okana
       Nag-aaral sa Government College muahia. Siya ay nakatapos ng Higher College. Siya ay ipinanganak sa Bomounal sa Niger Delta noong panahong 1921. Siya ay sumubok na pumasok sa British Royale Force ngunit hindi natapos ang kanyang pagsasanay. Siya ay dati naring nagtrabaho sa printing & bookbinding. Siya ay tumagal doon ng siyam (9) na taon.

Uri ng Panitikan

   Ang akda ay isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na maaaring hatiin sa tatlong parte: Ang simula, ang gitna, at ang wakas. Maari din itong hatiin sa ilang mga yugto. Ito ang paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan. Ang panitikang ito ay pinapanood sa tanghalan sa halip na binabasa sa libro. Ang mga dula ay binubuo ng mga tauhan na may iba’t ibang tungkulin sa kwento.

Layunin ng May-akda

   Ang layunin ng may-akda ay maipakita ang tunggalian ng parehong nilalang ngunit mas naipakita ang kalakasan ng babae at ang kahinaan rin nito. Sa paraang ito naipapahayag na ang mga tao ay may paniniwala na ang lalaki ay laging nakatataas ngunit hindi sa lahat ng bagay. Ang kababaihan ay may boses rin at may kadalasang mismo ang lalaki ay wala nito, at sa paraang ito nakita ang feminismo.

Tema o Paksa ng Akda

   Para sakin ang natutunan ko sa kwento ay hindi porket babae ang iyong katungali o katapat sa dwelo kailangan mo padin maging madiskarte subalit ang pagiging madiskarte ay hindi sapat dapat gamitan din ng kaisipan. Kung ihahambing natin sa totoong buhay si Ogboinba para siyang isang tao na nabigo sa pag hahanap ng trabaho pero nung nagkaron siya ng kaisipan at ng diskarte nakamit niya ang tagumpay. Katulad ng pakikipag dwelo niya kay ----- kapag nabigo ka ng isang beses hindi ibig sabihin na susuko ka na sa buhay. Dapat laban lng ng laban. -Malic

Tauhan

   Isembi – Si Isembi ay ang hari ng kagubatan, siya ay matapang at palaban dahil kinalaban niya si Ogboinba ng nang ayain siya nito.
   Ogboinba – Si Ogboinba ay ang may dalawang espiritong kapangyarihan. Siya ang nag-aya kay Isembi ng away o gulo dahil pinaalis siya ni Isembi ngunit ayaw niyang umalis sa kagubatan kung saan ay ang  pinaghaharian ni Isembi. Nung una ay natalo siya ni Isembi ngunit kalauhan siya ang natalo kay Isembi.

Tagpuan at Panahon

   Sa gubat ang lugar kung saan sila nag-usap. Sunod sa sangadong kahuyan ni Isembi na kung saan duon sila nagkaroon ng bulungan na nauwi sa kuhaan ng lakas at si Ogboinba ang nag tagumpay.

Buod/Balangkas

   Dalawang malakas na nilalang ang nagtapat sa gubat. Si Ogboinba na mula sa kaliwa ang babaeng may malakas na loob at di hamak ay makapangyarihan, siya ay ipinagkalooban nito kapalit ang kawalan ng magiging anak at sa kanan naman ay ang hari ng kagubatan na si Isembi, sinusundan siya ng dalawang nilalang na mukhang ibon sa sumisimbolo ng kanyang kapangyarihan at nakabihis pa ng parang mangangaso subalit magarbo.
   Sinundan ng duelo ang sumunod na mga pangyayari sa dalawang malakas na nilalang dahil hinamak ni haring Isembi si ogboinba sa pagmamatigas nitong manatili sa kagubatan, hindi rin naman ito nakapigil kay ogboinba at siya ring hinamak muli ang hari ngunit siya ay nanghina dulot ng pagbigkas ni haring Isembi sa kanyang kapangyarihan para manghina si Ogboinba.
   Di rin nagtagal muli at si ogboinba naman ang lumikas at nagpataw ng mga kapangyarihan laban sa hari sa kabila ng kanyang kundisyon at panghihina. Unti unti namang bumalik ang kapangyarihan ni ogboinba habang ang hari maman ay nililisan na ng kanyang kapangyarihan at sumuray suray na sa kanyang kinatatayuan, napagdesisyunan ni ogboinba na hindi ito bawian ng buhay ngunit iniwan niya nang walang saysay at inutil sa kanyang sariling kaharian dulot nang mababang pagtingin niya at paghamak kay ogboinba.

Teoryang Pampanitikan na Angkop sa Akda

   Ang teoryang pampanitikan na naaayon o nababagay sa akda ay “feminismo”, at bakit? Dahil nagpapakita si Ogboinba ng katapangan at katangian laban sa kanyang katunggali na si Isembi na isang lalaki. Hindi nagpapakita ng takot si Ogboinba hindi dahil sa kaawaan sya ni Isembi kung hindi ay alam niyang kaya niya tapatan ito. Sa madaling salita, buong pagkataong lumaban/hinarap ni Ogboinba si Isembi kahit na kalalaking tao ito.

Handa Akong Mamatay

Pagkilala sa May-akda

   Si Nelson Mandela ay isang politiko na naglingkod bilang pangulo ng timog Africa mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga Gawain ng sistemang Apartheid ay pinuno ng Pambansang Kongresong Aprikano at nanaatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa bintang na pagsasabotahe.

Uri ng Akda

   Ang akda ay isang halimbawa ng sanaysay na patalumpati. Ang talumpati ay isang uri ng panitikan na hinahayaang makahayag ang isang tao ng kanyang mga opinion, saloobin at nararandaman sa harap ng maraming tao sa paraan ng pagsasalita. Ang mga talumpati ay madalas na sumasailalim sa tatlong pakay: upang makapaalam, upang makahikayat o makapagbigay-aliw. Ang sanaysay naman ay isang uri ng panitikan na hinahayaang makapaghayag ang manunulat nito ng kanyang mga suhestyon, damdamin at kuro-kuro.

Layunin ng May-akda

   Ang akda ay tungkol sa pagbibigay ng suhestyon at hinahing ng may-akda sa mga problema ng kanyang bansa. Ang akda, na isang talumpati ng kilalang Nelson Mandela, ay nagbibigay ng mga impormasyon na maaaring sumuporta sa pangunahing kaisipan ng talumpati. Ang kaisipan ng talumpati ay ang Apartheid, at ang mga epekto nito sa bayan ng may-akda. Ang Apartheid ay isang sistemang nagdidiskrimina sa mga hindi puti at pinapataas at pinahahalagahan ang mga puti. Ito ay nagsimula sa ibang mga lugar sa timog Aprika noong bago 1948 at malawakang ipinatupad noong 1949 ng mga Dutch at napawalang-bisa noong 1993.
   Ang talumpati ay nagpatuloy sa pagbibigay ng mga datos para makumbinsi ang mga nakikinig na ang sistemang Apartheid at nakasasama sa kanilang bansa. Sinasabi din sa talumpati na ang Apartheid ay sumusuporta sa pagkakaroon ng diskriminasyon at ang patuloy na paghina ng bansa ng may-akda. Isnisa-isa ng may-akda ang sa tingin nya na mga problema, ang mga datos at impormasyon na maaring magpatunay dito, at sa tingin ng may-akda na mga maaaring maging solusyon sa mga ito. Ito ang sa palagay ko na layunin ng akda.
-Gian

Tema o Paksa ng Akda

   Ang maaaring maging tema ng akda ay ang pagbibigay impormasyon ng may-akda tungkol sa kalagayan ng kanyang bansang ginagalawan. Na kahit masasabing maayos ang pamumuhay sa Timog Aprika, mayroon paring mga aspekto ng bansa na masasabing nakasasama sa mga nakatira dito. Mga bagay na, hindi lang masama kung hindi patago ring ipinapatupad o isinasagawa. Ang Apartheid ay nakaapekto sa maraming tao, at pinapakita ng sistemang ito ang masamang banda ng sangkatauhan, ang pilit na paghangad ng mga tao na maluklok sa iba’t ibang uri ng kapangyarihan. Ang makikita sa akda ay ang paghangad ng mga tao na makaangat sa mga ibang tao at nilalang na sa tingin nila na iba sa kanila. Ang mga puti’y mas mataas sa mga itim dahil lamang sa kulay nila. Itong sistemang ito ay nagpatuloy hanggang sa ito’y nabawalang-bisa. Sa tulong narin ng may-akda at ang kanyang talumpati.

Tauhan

   Mga Aprikano – Mga taong nakatira sa kontinenteng Aprika
   Europeo o mga puti – Mga taong naninirahan sa europeo at/o may kaputian ang kutis

Tagpuan o Panahon

   Noong 1960 – Ang ginastos ng pamahalaan sa bawat aprikan na mag-aaral ay tinatayang R12.46.
   Noong 1960 – Ang ginastos para sa mga batang puti  sa probinsya  ng Cape ay R144.57.
   Noong Hunyo ng 1961 – Iginiit naming ang pagbabago sa polisya ng national liberation movement.
   Noong 1961 – Nakatala ng 38,491 na bagong kaso.
   Noong 1963 – Tinatayang apatnapung bahagdan ng mga batang aprikano sa pagitan ng edad pito hanggang labing apat ang hindi nakapag-aral.
   Noong 1962 – 362 ang pumasa ng Matric
   Noong 1953 – Nagdedebate ukol sa Bantu Educational Bill
   Kontinente ng Aprika
   South Aprika
   Alas onse ng gabi

Buod/Balangkas

   Sinimulan ni Nelson Mandela ang kanyang talumpati sa pagpili sa pagitan ng pagyuko o paglaban. Likas sa isang tao na proteksyonan ang mga mamamayan para lumaban sa kinabukasan at kasayaan. Hunyo 1961 ng iginiit nila ang pagbabago sa polisya ng National Libetarian Movoment. Ang kanilang laban ay hindi lang basta laban dahil laban ito para sa kanilang dignidad. Ang mga aprikan namuhay sa karukhaan at samu’t saring kontradiksyon. Di katulad ng mga puti ay itinuturing silang mayaman. Di nabibigyan ng lupain ang mga aprikan at sila’y pinagtratrabaho sa mga lupain.
   Madalas na nagkakasakit ang mga aprikano dahil sa malnutrisyon na nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Ang daing nila’y palayain sila sa kahirapan at wag silang pigilan na makapag-aral lalo na ang mga bata. Dinudulog nila ang parehas na paaralan sa pagitan ng mga arikan at puti. Ang diskriminasyon sa kanilang kulay ay nagiging dahilan ng kanilang hindi pag-unlad. Pati ang pagkakaiba ng kanilang trabaho o polisya bilang manggagawa.
   Madalas na sinasabi nila na nasa maayos na kondisyon ang mga aprikano ngunit hindi. Sila’y nakakaranas ng diskriminasyon sa kanilang mismong bayan. Maging patas sa passbook at disenteng sahod para sa mga manggagawang naghihirap magtrabaho. Pati na rin ang makasama ang kanilang pamilya at hindi ikulong sa “ghetto”. Dapat o karapatan ng mga babae na makasama din ang kanilang pamilya at hindi iwanan na biyuda sa “Pesense”. Nais lamang nila ay ang karapatan, kalayaan na mamumuhay dahil kung wala ito habang buhay silang lumpo at demokrasya ang kanilang tanging hiling. -Aira

Teoryang Pampanitikan na Angkop sa Akda

   Ang mga teoryang maaaring maging angkop sa akda ay realismo at eksistensiyalismo. Sapagkat ipinapakita dito ang realidad ng buhay na nararanasan ng may akda, na madalas ay masama at hindi kaaya-aya. Tulad ng paghihiwalay at pagdidiskrimina sa mga tao base sa kulay nila na maaaring matanaw bilang isa sa mga bagay na maaring makapigil sa pag-unlad ng bansa ng may-akda. Isa pa, dahil ninanais nila ang kanilang kalagayan na makapagdesisyon para sa kanilang bansa, na ang mga tao at ang kanilang bansa, ay may kalayaang pumili ng kanilang tatahaking landas, dahil sa sila’y malayang tao at malayang bansa. -Aira

Mga Miyembro:

Bayron, Aira
Galang, Marianne
Catacutan, Jules
Silva, Julianna
Miguel, Raphaella
Simplicio, Yannah
Enriquez, Osmalic
Clit, Gian
Mendoza, Juana


Ang Pinili ni Uncle Ben [GROUP 3]

"Ang Pinili ni Uncle Ben"

Pagkilala sa may-akda

 Chinua Achebe

Si Chinua Achebe ay ipinanganak sa Igbo Town ng Ogidi sa Eastern Nigeria noong Ika-16 ng Nobyembre 1930. Pagkatapos niyang maging edukado sa wikang Ingles sa University of Ibadan noong 1961. Si Achebe ay sumali sa "The Nigerian Broadcasting Corporation" bilang isang direktor. Nanatili siya doon hanggang 1966.
Bago siya sumali sa NBC noong 1958, kaniyang inimprenta ang kanyang mga nobelang "Things Fall Apart" at ang nobelang ito ay sumikat.
1960s at 1970s
Sa dekadang ito niya isinulat ang kanyang mga nobelang "No Longer at Ease" (1960), "Arrow of God" (1964) at "A Man of the People" (1966). Ang mga ito ay patungkol sa tradisyunal na pamamaraan nag buhay at pagkakaroon nito ng komplikado, madalas kolonyal na pananaw.

 

Uri ng Panitikan

Ang akda ay isang halimbawa ng maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinakasangkutan ng isa o higit pang tauhan na may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Layunin ng may-akda

Isa sa mga layunin ng may-akda ay inilalarawan ang buhay at takbo ng ekonomiya sa mga batang hindi isinilang noon. Ito ay upang malaman na ang ekonomiya ngayon ay mas malakas kaysa noon dahil sa pagtaas ng mga bayarin at sweldo. Layunin din niyang turuan ang mga mambabasa na maging alisto at mapanuri sa mga pangyayari sa kapaligiran, kailangan ito upang maiwasang  maloko, manakawan, maisahan at iba pa. Layunin din niyang turuan ang mga mambabasa na huwag gawin ang isang mahirap na bagay  tulad ng pag-inom ng alak kung hindi ito kaya , isa pa dapat na matutunan na sumunod ang mga manginginom na itigil ang kanilang gawain. Dapat daw na matutong tumanggi sa mga bagay-bagay na hindi nakakabuti para sa iyo. Layunin din niyang ipaliwanag na mas mahalaga ang pamilya kaysa kayamanan.

Tema o Paksa ng akda

Sumasalamin ang akdang ito tungkol sa isang klerk na may prinsipyo sa kanyang sarili at ang prinsipyo na iyon ay ang paniniwala niya sa mga turo ng kanyang ama kung ano ba dapat ang kanyang mga gagawin o desisyon sa buhay at tungkol din sa paniniwala ng mga Nigerian na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa yaman dahil ang kayamanan ay puwedeng mawala o mag-laho samantalang ang pamilya ay hindi mo mapapalitan at makakasama mo habang buhay  dito sa mundong ibabaw.

Tauhan o karakter sa akda

Si Ben ang pangunahing tauhan sa kwento. Parati niyang sinusunod ang aral na nakuha niya mula sa kanyang ama. Wala siyang tiwala sa mga segunda manong bagay. Naniniwala siya na dapat piliin ang pamilya kaysa sa kayamanan. Si Margaret Jumbo naman ay ang babaeng nagustohan ni Ben. Si Matthew ay ang kaniyang kaibigang unang pinuntahan noong binisita siya ni Mami Wata. Si Mami Wata naman ang diwata ng Ilog Niger at siya din ang bumisita kay Ben upang alukin itong maging ka-relasyon. Si Dr. J.M. Stuart-Young naman ang pinaka-mayamang tao sa Nigeria noong panahong iyon at naging kalaguyo din siya ni Mami Wata.

Tagpuan at Panahon

Ang akda ay naganap noong taong 1919 sa lugar ng Umuru sa bansang Nigeria at nakatira ang pangunahing karakter malapit sa Ilog Niger na binabantayan ng diwatang si Mami Wata.

Nilalaman at Balangkas ng mga Pangyayari

Si Ben ay isang regular ng klerk na laging naniniwala at sumusunod sa tatay niya. Naniniwala din siya na ang babae ay matatalas kung kaya hindi siya kumakain ng kahit na anong luto ng mga babae. Ngunit may isang babae na katangi-tangi at yun ay si Margaret Jumbo. Ngunit may dahilan kung bakit ito naudlot dahil sa isang pangyayari.
Isang gabi pagkatapos niyang uminom sa isang Club at umuwi na sa maliit na bahay na binigay ng kompanya kung saan siya nag-tatrabaho dahil na-promote siya bilang Senior Clerk. Nagulat siya dahil pagkahiga niya ay may babaeng nakahiga din sa kama niya. Noong una ay inakala niya na si Margaret iyonngunit nang tumagal ay napagtanto niya na hindi pala ito si Margaret.
Natakot siya kaya tumakbo siya papunta sa bahay ng kaibigan niyang si Matthew at doon niya nalaman na ang babaeng iyon pala ay ang diwatang si Mami Wata. Inalok siya nitong maging kalaguyo ngunit sa sobrang takot niya ay hindi siya nakapagsalita at kumaripas ng takbo. Sunod namang binisita ng diwata si Dr. J.M. Stuart-Young na isang komersiyanteng puti na naging pinakamayaman sa kanilang bansa dahil naging karelasyon siya ni Mamo Wata.

Teoryang Pampanitikan na angkop sa akda

Realismo ito dahil ipinapakita nito ang tunay na sweldong natatanggap ng mga tao sa Nigeria noong 1919.
"Noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, isa akong klerk sa Niger Company sa Umuru. Ang klerk noong panahong iyon ay parang ministo ngayon . Two pounds ten ang sweldo ko. Pwede mong tawan-tawanan ito pero ang two pounds ten noong panahong iyon ay parang fifty pounds ngayon. Sa four shillings, makabibili ka na ng kambing. Natatandaan ko pa, ang Aprikanong may pinakamataas na posisyon sa kompanya noon ay isang taong Saro na sumusweldo ng ten-thirteen-four. Sa tingin namin, para na rin siyang Gobernador- Heneral."
Eksistensyalismo ito dahil pinapakita rito na nakakapag-desisyon siya para sa kanyang sarili at hindi nawawaglit ang kanyang katinuan sa lahat ng oras.
"Matunog na matunog ang pangalan ko. Pero merong isang bagay na dapat niyong malaman tungkol sa akin--- puwede tayong magtawanan at mag biruan , mag-inuman at gumawa ng kung ano-ano pa, pero ni minsan ay hindi mawawaglit ang aking katinuan . Sabi ng ama ko, ang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog nang dilat ang isang mata. Hinding-hindi ko ito malilimutan. Nakipaglaro at nakipagtawanan ako sa lahat at tinatawag akong "Jolly Ben!, Jolly Ben!" pero alam ko ang ginagawa ko."
Feminismo ito dahil pinapakita rito ang kakayahan ng mga kababaihan at ang mga lalaki sa Uhuru ay ginagalang at kinkatakutan sila.
"Matatalas ang mga babae ng Uhuru, bago ka pa man makapagbilang  ay nakabilang na sila ng dalawa. Kaya kailangan kong mag-ingat. Ni minsan ay hindi ko itnuturo sa kanila ang papunta sa amin, ni hindi ko tinitikman ang anumang pagkaing luto nila pagkat baka may gayuma ito. Marami akong nakitang lalaki na napakahangal sa mga babaeng ito, kaya lagi kong tinatandaan ang sabi ng ama ko: "Mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sa iyo."
Realismo ito dahil pinpakiata rito ang ang tunay na nangyayari buwan-buwan sa buhay ng mga nagtatrabaho.
"Alam mo naman, hamak na mas masaya ang Bagong Taon kaysa pasko--- para sa ating mga naubuhay tuwing katapusan ng buwan. Maikli ang kumot pagdating ng araw ng Pasko, pero sa Bagong Taon ay makapal na naman ang bulsa.
Moralistiko ito dahil pinapakita rito kung ano ang tamang piliin sa buhay.
"Hindi ko sinabi sa atin ng ating mga nuno na ang dapt nating piliin ay yaman sa halip na mga asawa at anak."
Moralistiko ito dahil pinapakita rito na mas makakabuti na piliin ang pamilya kaysa kayamanan.
"Nasaan ang taong mas gusto ang yaman kaysa mga anak? Liban na lamang siguro sa siraulo gaya ni Dr. J.M. Stuart-Young. A, hindi ko nga pala nabida sa  iyo. Noong gabing iyon na itinaboy ko si Mami Wata, nagpunta si kay Dr. J.M. Stuart-Young, isang komersiyanteng puti at siya'y naging kalaguyo nito. Kilala mo siya?... A, oo siya ang naging pinakamayamanang tao sa bansa. Pero hindi pumayag si Mami Wata na pakasal sa kanya. Nang mamatay siya, anong nangyari? Ang lahat ng kanyang kayamanan ay napunta sa iba. Iyan ba ang klase ng yamang hanap natin? Tinatanong kita. Sana hindi!"


"Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi"

Pagkilala sa may-akda

Obotunde Ijimere

Si Obotunde Ijimere ay ipinanganak sa Otan Aijegbaju, Western Nigeria noong 1930. Pgkatapos niyang mag-aral ng sekondarya ay sumali siya sa kompanyang teatro ni Duro Ladispo, pero hindi siya nagtagal at napagisipan niyang hindi siya nararapat sa pag-arte. Sumali siya sa isang workshop sa Oshogbo at sinunod ang kanyang hilig na magsulat sa Ingles kaysa Yoruba.

Uri ng Panitikan

Ang akdang ito ay isang halimbawa ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

Layunin ng may-akda

Layunin ng may-akda na mapaalam sa mga mambabasa nakahit gaano ka pa kalakas, mayroon at mayroon pa ring makatatalo sa iyo. Kaya't huwag maging mayabang at mapag mataas. Layunin din ng may-akda na ipaliwanag ang lakas ng mga kababaihan. Hindi dapat sila maliitin sa kanilang hitsura o lakas at dapat silang intindihin at respetuhin dahil maraming kalakasan ang mga babae.

Tema o Paksa

Sumasalamin ang akdang ito sa ideyolohiyang ang mas makapangyarihang tao sa lipunan ay dinidiskrimina ang mga kababaihan at mga taong nasa mababang anats ng lipunan. Ngunit matututunan din nila na ipaglaban ang kanilang pagkatao, kahit na mas mas mataas ang antas mo sa lipunan, huwag mong kalimutang pare-pareho lang tayong tao at dapat hindi tayo nang dididskrimina ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan.

Tauhan o Karakter sa akda

Si Isembi ang hari ng kagubatan at para sa kanya, siya ang pinakamalakas sa mundong ito. Si Ogboinba naman, siya ang pumunta sa kaharian ni Isembi, nang pumunta siya sa kagubatan ni Isembi, kinutya siya at diniskrimina ang kanyang pagkatao at ang kanyang kalakasan ngunit sa huli natalo pa rin niya si Isembi.

Tagpuan at Panahon

Nangyari ang akda sa kagubatang pinaghaharian ni Isembi ata ayaw niyang may estrangherong pumupunta rito.

Nilalaman at Balangkas ng mga Pangyayari

Papasok si Ogboinba sa gubat na pinag haharian ni Isembi na hari nang kagubatan at ang tingin sa mga babae ay mahina. Inutusan ni Isembi na huwag tumuloy si Ogboinba sa kagubatan niya ngunit hindi ito pinakinggan ni Ogboinba. At sinabi niya na hindi siya nito mapapasunod at ipinakilala din ni Ogboinba ang kanyang sarili na wala raw siyang kapantay sa mundo. Dahil dito ay nagalit si Isembi at sinagot si Ogboinba na huwag itong masyadong mataas ang tingin sa sarili at walang taong makaka suway sa kanya lalo na si Ogboinba dahil siya ay isang babae lamang. Dahil dito ay hinamon siya ni Ogboinba ng palakasan at hindi ito inurungan ni Isembi. Sinumpa ni Isembi si Ogboinba ngunit habang sinusumpa niya si Ogboinba ay hindi niya namalayan na ibinalik ni Ogboinba kay Isembi ang kanyang sumpa na nakalaan sa kanya. Dahil dito ay natalo si Isembi at tanging pang didiskrimina na lang ang naisagot niya kay Ogboinba. Sa huli ay tumuloy na sa gubat si Ogboinba kasama ang kanyang mga espiritung kapangyarihan.

Teoryang Pampanitikan na angkop sa akda

Feminismo ito dahil pinapakita rito na hindi dapat kutyain ang mga kababaihan at ang kalakasan ng mga babae.
"Huwag mong hamakin ang aking pagkababae!
 Humaharap ako sa iyo ngayon
Walang kasarian, walang matris
Ang kapangyariahan ko'y higit pa sa kayang arukin ng tao!
Ipinagkaloob ito kapalit ng kawalan ng magiging mga anak!
Hinahamon kitang ipakita ang iyong lakas."
Eksistensyalismo ito dahil pinapakita rito ang desisyon ni Isembi na hindi niya gustong may estrangherong pumapasok sa kanyang kasarian.
"Huwag ka nang tumuloy
Walang nilalang na sumuway sa aking utos
Walang sinuman ang makakapasok
Sa aking sagradong kakahuyan
Kung sino ka man--- umalis ka."
Humanismo ito dahil pinapakiat rito ang kalakasan ng karakter at sa tingin niya wala siyang kasing lakas sa mundo.
"Hindi ako sunod-sunuran!
Alamin mo. Ako si Ogboinba;
Wala akong kapantay sa mundong ito."
Imahismo ito dahil pinpakita rito na gumamit ang awtor ng mga salitang magpapalawak sa imahinasyon ng mambabasa habang binabasa ang akda.
"Hayaang mapawi ang iyong tamis ng gisantes
At iyong pait ng kola
Hayaang ang luya, lunurin ka ng pampalasa;
At ang sili, ng anghang!
Hayaang gupuin ang iyong balat ng bulak!
Kunin ang iyong lakas--- tulad ng natumbang palma!
Duguin ka tulad ng mga papansin!"
Mga miyembro:
Ferrer
Santos
Evangelista
Pelayo
Castro
Relox
Sanchez
Salvador
Hubahib
`

Blog ng Cobalt

Kamusta... dito makikita ang mga paksa tulad ng talulot na dugo at woyengi: sa kaharian ni Isembi na parehong gawa ni  Ngũgĩ wa Thiong'o.